^

Punto Mo

EDITORYAL – Panghihimasok ng US sa Pilipinas

Pang-masa
EDITORYAL � Panghihimasok ng US sa Pilipinas

INAPRUBAHAN na ng Senado ng United States ang isang resolusyon na nag-iimposed ng sanctions sa mga opisyal ng gobyerno na responsable sa extrajudicial killings sa Pilipinas at ganundin sa mga likod ng pag-aresto at pagkulong kay Sen. Leila de Lima.

Ayon sa US Senate Resolution No. 142, nakasaad sa Global Magnitsky Human Rights Accountability Act na pinapayagan ang United States na magpataw ng sanctions sa mga fo-reign officials na nasasangkot sa pang-aabuso sa karapatang pantao. Kabilang sa mga ipapataw sa mga opisyal na sangkot ay ang pagbabawal na makapagbiyahe sa US at ang pag-freeze sa kanilang assets sa nasabing bansa.

Ang resolusyon na ito ay masasabing pang­hihimasok sa justice system ng bansa. Kung ano ang gustuhin ng US ay maaari pala nilang gawin. Kapag naipatupad na ito, lahat nang gusto nilang patawan ng sanctions ay maaari pala nilang gawin. Nagpapakita lamang ito na mahilig makialam ang US kahit na wala naman silang nalalaman sa tunay na nangyayari sa bansa. Sa halip na ang atupagin ng mga senador doon ay ang sariling problema, pati sariling problema ng Pilipinas ay pinapapelan nila.

Nararapat na umalma ang mga mambatas sa ginagawang ito. Magpakita sila nang paglaban sa ipinasang resolusyon. Palalampasin ba ito?

Una nang sinabi ni President Duterte na hindi rin papapasukin sa bansa ang mga senador na may-akda ng batas na nagpapataw ng sanctions sa mga opisyal na sangkot sa human rights violations. Pero mas maganda pang magagawa at ito ay ang lantarang pagsalungat sa mga gustong mangyari ng US sa bansa.

Nasaan naman ang mga militante na laging nagrarally sa US Embassy? Bakit walang pagtutol? Bakit tahimik sila? Ngayon nila ipakita ang tapang.

vuukle comment

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with