^

Punto Mo

Peryahan ng Bayan, pamalit sa STL?

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

PINABORAN ng Department of Justice (DOJ) ang Globaltech Mobile Online Corp., ang operator ng Peryahan ng Bayan, sa kasong illegal gambling na isinampa laban sa kanila ng National Bureau of Investigation (NBI). Sa resolution noong Disyembre 3, sinabi ng DOJ special task force on special cases na walang basehan ang NBI sa reklamong illegal gambling sa ilalim ng Republic Act 9287 laban sa 15 empleado ng Globaltech na inaresto nila sa Quezon City.

Ipinaliwanag ng DOJ panel na kahit ni-revoke ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang license to operate ng Globaltech noong 2016, ang gambling operations nito sa Quezon City ay LEGAL. Lumabas kasi sa inquest proceedings na ang Globaltech ay nagkaroon ng tinatawag na quo ante order laban sa PCSO mula sa Pasig City regional trial court (RTC) noong nakaraang taon para patuloy na maging legal ang operations nila. Get’s n’yo mga kosa?

Ayon kay Assistant State prosecutor Amenda Garcia at Florencio dela Cruz Jr., at Associate prosecution lawyer Criselda Teoxon, ang mga dokumento na isinumite ng PCSO, at sulat mula sa complainant na si Marcelo Flores ay not valid kasi nga ang mga ito ay hindi beripikado, self-serving at full of partiality kaya hindi ito sapat para maitaguyod ang isang warrantless arrest.

Binigyan-diin din ng DOJ panel sa kanilang desisyon ang records ng Pasig RTC Branch 161 kung saan nagsasaad na hindi pa nito naisantabi o na-reverse ang kanilang utos na quo ante order. Hak hak hak! Ano ba itong NBI, walong taon na nag-aral ng batas tapos semplang pa sila sa Globaltech. Sampal ito kay NBI director Dante Gierran ah, ‘di ba mga kosa?

Subalit Round 1 pa lang pala ang tagumpay ng Globaltech dahil meron pa silang hinaharap ng petition for certiorari na isinampa ng PCSO para kuwestiyunin ang kautusan ng Pasig RTC. Ang petition ng PCSO sa Court of Appeals ay nagpapatunay na binigyan ng pagkilala ng PCSO ang quo ante order na naisyu ng RTC at walang katibayan na nag-isyu ang appelate court ng TRO o injuctive relief.

Iginiit pa ng DOJ panel na noong i-implement ang search warrant sa opisina ng Globaltech, ang operation ng Peryahan ng Bayan ay covered the valid license ng PCSO. Ang mga akusado ay hindi sangkot sa illegal gambling noong panahon na sila ay inaresto, anang DOJ panel. Ang pagka-aresto sa mga empleado ng Globaltech ay ayon sa request ni Flores, na vice president ng Platinum Gaming Online.

Ang NBI ay nakakuha ng search warrants laban sa Peryahan ng Bayan sa National Capital Region, Bulacan, Laguna at Rizal. Hak hak hak! Hayan mga kosa ha, maliwanag pa sa sikat ng araw na legal ang operation ng Peryahan ng Bayan sa ngayon ha? Araguuyyyy!

Kapag patuloy ang operation ng Peryahan ng Bayan, puwede na siguro itong ipalit sa Small Town Lottery (STL) ng PCSO, di ba President Digong Sir? Kasi nga nalulugi ang STL dahil sa hindi pagbayad ng authorized agents nila ng kanilang Presumptive Monthly Revenue Receipt (PMRR) kaya hayun lumiit ang tulong na naipamahagi nila sa mga mahihirap. Abangan!

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with