^

Punto Mo

Anong stall sa public bathroom ang paboritong pasukin?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG 1995, nagkaroon ng pag-aaral ang isang psychologist tungkol sa restroom habit ng mga beachgoers sa coastal California.

Sa loob ng 10 linggo, sinubaybayan ng psychologist kung gaano kadalas mag-replenish ng toilet paper sa 4 stalls ng toilet.

Ang resulta: Mga 60 percent ng toilet paper ang naubos ng panggitnang stalls, 2nd at 3rd mula sa entrance ng toilet. Ang 1st at 4th stall ay nakaubos lang ng 40 percent na toilet paper.

Stalls na nasa gitna ang pinakagustong gamitin. Bakit? Ang mga tao ay may habit na kung tawagin ay “centrality preference”. Basta’t binigyan ng pagkakataong mamili, ‘yung gitna lagi ang pinipili. May pakiramdam silang ‘safe’ piliin ang gitna kaysa sumugal sa dalawang nasa dulo. O, nakatanim sa kanilang subconscious mind ang pagiging ‘fair’ kaya gitna na lang ang pipiliin.

Next time na gagamit ng public restroom, iwasan ang nasa gitna. Piliin ang nasa magkabilang dulo dahil iyon ang bihirang pasukin. Mas malinis dahil bihirang gamitin.

vuukle comment

PSYCHOLOGIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with