^

Punto Mo

Federalismo, sagot nga ba sa burukrasya at kasakiman?

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

MALAKING sagabal ang may pagkatusong pulitika, sa pag-unlad ng Pilipinas na ang liderato ay minsan nang ipinahiram sa ilan sa ating mga ninunong pulitiko ng mga bansang sumakop sa atin tulad ng Spain, US at Japan. Ilang ulit na rin tayong naglimbag ng konstitusyon mula 1897 hanggang 1987, pero hanggang ngayon ay pinagtatalakayan pa rin kung ano talaga ang nararapat na panuntunan ng gobyerno ang aangkop sa bansa. Makailang ulit na tinangka na isulong ang Cha-cha, pero baldado ito pagdating sa Kongreso. Pumasa kaya ngayon?

Kongreso at Senado papabor ba sa federalisasyon?

Sinasabing malaking sagabal ang personal na interes ng mga pulitiko at naghaharing pamilya sa bawat rehiyon na gaganap sa pagsasabatas ng federalismo, dahil lalong gugulo ang sistema kung madaragdagan ang bilang ng mga kongresista at senador na uugit ng bagong konstitusyon na ang interes ay malamang na maging makasarili. May mga rehiyon na salat sa yaman ng kalikasan at may mga rehiyon na sobra sa kanilang magiging pangangailangan ang yamang tinatamasa. Aasa na lamang bang muli ang mahihirap na rehiyon sa kontribusyon o sa porsiyento mula sa mga revenues at taxes na ibabahagi ng mayayamang rehiyon sa national government at sasapat naman kaya?

Uuwi ba sa rehiyon nila ang nasa Maynila?

Kahit ano pang gawing pagbabago ng porma ng gobyerno, kung hindi makikiisa ang mamamayan sa intensiyon ng programa ng pagbabago, magagaya lamang tayo sa Federal Government of America na nakasentro ang imahinasyon ng mga mamamayan nito na manirahan at maghanap ng trabaho sa sentro ng bansa nila tulad ng New York, San Francisco, Washington DC at Los Angeles na pinamumugaran ng mga negosyo, celebrities at kilalang mga tao, kaya marami sa estado nila ang nagpaplano pang magsulong ng bankruptsy tulad ng Arkansas, Illinois, Texas, Connecticut, Kentucky, New Jersey, Massachusetts at iba pa dahil sa kagipitan sa salapi ng United States.

Kilala ang US na mahigpit magpatupad ng pagbabayad ng buwis, pero nagkukulang pa rin ang pondo nila sa pagdami ng obligasyon sa mamamayan nila na ang karamihan ay dayuhang walang hanapbuhay.

Mabago kaya ng pepe-dede-ralismo ang bansa?

Kahit sampung ulit na palitan natin ang porma ng gobyerno, kung hindi naman magbabago ang ugaling may pagkatuso ang mga negosyante at pamunuan ng gobyerno, malayong guminhawa ang buhay ng Pilipino ayon sa isinusulong na federalismo. Baka lalong lumala ang kasakiman sa kapangyarihan ng mga pulitikong mayayaman dahil magmimistulang kaharian ang rehiyon nila at sila ang magdidikta kung sino ang susunod na hari. Hindi makukuha sa pa-pepe at pa-dede ang pagpapaliwanag sa iminimungkahing pepe-dede-ralismo kung may pagka-imoral ang dating nito. Peace!

vuukle comment

FEDERALISMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with