^

Punto Mo

CIDU ng QCPD, rumatsada!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI naman pala manhid ang Philippine National Police (PNP) sa nangyari kay Erbone Nabaja, marketing manager ng real estate company sa Makati. Matapos mabasa ang masaklap na karanasan ni Nabaja sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), tinugunan ni Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang problema. Pinaimbestigahan ni Eleazar ang kaso ni Nabaja at nangako siyang papatawan ng kaukulang parusa ang nagkasala. Hak hak hak! Baka bola-bola kamatis lang ito ha, mga kosa? Boom Panes! Tiyak naghahanap na ng kakampi sina Insp. Juan Mortel, hepe ng warrant section ng QCPD at amo niyang si Chief Insp. Rodelio Marcelo, hepe ng CIDU, dahil tatamaan sila ng lintik kapag diretso ang imbestigasyon na iniutos ni Eleazar. Maaring si Mortel ang malilintikan dahil mga bataan niya ang nakipag-negosasyon para gatasan si Nabaja dahil sa warrant of arrest niya na ipinalabas ng korte sa Vigan, Ilocos Sur sa aksidenteng nasagi niya ang isang tricycle doon .Kung sabagay, sinabi ng mga kosa ko na hindi lang ngayon nangyari ang modus operandi ng CIDU dahil matagal na ito at ang problema lang ay walang lumutang para magreklamo. Nagkataon lang na may kapatid sa media si Nabaja kaya lumabas ang baho nila, di ba mga kosa? Hak hak hak! Sana magbago na ang mga taga-CIDU sa QCPD dahil hindi lahat ng oras ay masaya sila kapag nakakulimbat ng pitsa sa mga biktima nila. Boom panes! Sayang ang dobleng suweldo nila kapag nagkataong may complainant laban sa kanila, di ba mga kosa? Tumpak na tumpak!

Nag-utos si Eleazar ng imbestigasyon sa kaso ni Nabaja matapos ang press briefing sa Quezon City tungkol sa pagkahuli ng taga-CIDU, Station 8 ng QCPD at Marikina police sa anim na miyembro ng Basag Salamin robbery group. Ayon kay QCPD director Chief Supt. Joselito Esquivel ang grupo ang nasa likod ng 19 na kaso ng Basag Salamin sa Quezon City lamang. Ang grupo na pinamumunuan ni Julius Batac, 25, ay nag-ooperate hindi lang sa Quezon City kundi maging sa Bulacan,

at Rizal. Kaya kung kayo ay biktima ng Basag-Salamin mga kosa, magsadya na kayo sa CIDU ng QCPD at baka mamukhaan n’yo ang mga suspect para madagdagan ang kaso nila at malaki ang piyansang mailagak nila para makalaya at mambiktimang muli. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Magaling talaga si Marcelo sa paglutas ng kaso kaya lang naulingan ang mukha niya ng kaso ni Nabaja, di ba mga kosa? Sayang at magreretiro na siya sa Hulyo 18. Advance happy birthday Sir Rodel!

Ang pinakahuling biktima ng tropa ni Batac ay si Benson Bong Paras, 43, executive officer ng Bgy. Milagrosa sa Project 4. Ipinarada ni Paras ang kanyang silver Toyota Innova sa harap ng St. Ignacio’s hardware sa kanto ng Katipunan at Sunrise St., para kumain sa Daria Steak House. Kitang-kita ni Paras kung paano dumampot ng bato ang suspect, at hinampas ang driver’s side na salamin ng kanyang kotse. Siyempre, hinabol ni Paras ang suspect subalit hinarang siya ng kasamahan nitong naka-motor, tinutukan ng baril sabay tangay ng kanyang cell phone at cash na P2,000. Sa tulong ng isang informant natunton ang lungga ng Basag Salamin gang sa No. 9 E. Cubarubias St., sa Bgy. Tañong, Marikina City. Nakumpiska ang isang cal. 22 revolver, shabu, tatlong motorsiklo, at assorted na IDs, laptops, bags, wallets, relos, helmets at iba’t ibang uri ng dokumento. Dalawa sa mga suspects ang kinilala ni Paras na tumutok at kumulimbat ng kanyang cell phone at cash. Hak hak hak! Hindi talaga nagbubunga ng maganda ang kasamaan ano mga kosa? Maganda ang accomplishment na ito ng CIDU at tinitiyak kong makatulong ito para maiahon ang imahe ng PNP na dinungisan ng kaso ni Nabaja! Boom Panes! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with