^

Punto Mo

EDITORYAL – Pagsasaayos ng NFA

Pang-masa
EDITORYAL � Pagsasaayos ng NFA

PINAKAMAGANDANG desisyon ang nagawa ni Pres. Duterte sa National Food Authority (NFA) makaraang isailalim ito sa Department of Agriculture (DA). Dapat lang naman talaga na ang DA ang mangasiwa sa NFA at wala nang iba pa.

Sa loob nang matagal na panahon na ang NFA ay pinangasiwaan ng kung sinu-sinong tao, masama ang naging resulta. Namayani ang pagbabangayan sa NFA na ang kinahantungan ay ang pagkaubos ng buffer stock ng NFA gaya nang nangyari kamakailan. Nasimot ang stock ng NFA at ang resulta, lumobo ang presyo ng commercial rice na nagpahirap sa mamamayan.

Inatasan ng Presidente si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na pamunuan ang bagong NFA Council na dating pinamumunuan ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. Bukod sa NFA, isasailalim na rin sa DA ang Philippine Coconut Authority (PCA) at ang Fertilizers and Pesticides Authority (FPA).

Ngayong nasa ilalim na ng DA ang NFA, maaa-ring hindi na maulit ang kakapusan sa bigas na nagbigay ng kaba sa mga mahihirap. Tumaas ang presyo ng bigas. Ang dating NFA rice na ang presyo ay P39.00 ang kilo ay naging P42.00. Sabi ng mga kakarampot ang suweldo, hindi makasapat ang kanilang kinikita sa biglang pagtaas ng bigas.

Isa rin sa magandang resulta ng pagkakasailalim ng NFA sa DA, nabigyan agad ng instruksiyon ng Presidente si Piñol na taasan ng NFA ang pagbili ng palay sa mga magsasaka. Ayon sa Presidente, kapag mataas ang presyo ng NFA, maraming magsasaka ang magbebenta ng kanilang aning palay. At ang resulta, hindi mauubusan ng stock ang NFA. Sa kasalukuyan, bumibili ang NFA ng palay sa halagang P17 bawat kilo. Ang mga private traders naman ay P20 bawat kilo. Sabi ni Piñol balak niyang dagdagan ng P3 ang pagbili ng NFA.

Isaayos ni Piñol ang NFA. Gawin ang lahat para maibalik ang talaksan ng bigas at sana paunlarin ang sakahan para hindi na umasa sa rice importation. Mas masarap kainin ang inani sa sariling lupa.

vuukle comment

NFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with