Ang mabait at ang Hudas
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - March 25, 2018 - 12:00am

Kahit saang dako nitong Pilipinas

naghahari ngayon ay maraming hudas;

Hudas na pulubi at mayamang hudas

saan man magtungo ito’y mamamalas!

 

Mga mabubuti taong mababait

sila’y nakatago’t mga nasa bukid;

Ang gawain nila hindi mo malirip

nakakatulong man tago sa daigdig!

 

Gumagawa nang mali at saka ng tama

sa tingin ng iba ito’y balewala;

Kaya ang halaga ng buhay-Maynila

probinsyano pa rin dahil walanghiya!

 

Taong mababait ay nagiging hudas

pagsila’y namali bawat pagsisikap;

Mabuting tao kapag minamalas

mas higit na hudas sa sobrang sikap!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with