^

Punto Mo

Isla Paraiso (135)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PALIHIM na kinurot ni Marikit si Benhur para ipaalam na baka marinig ni Lolo Kandoy ang pagsasabi nito ng “I love you”.

Pero sa halip na tumigil si Benhur ay lalo pa itong nagsalita na halatang pinarinig kay Lolo Kandoy.

“Mahal kita Marikit! Mahal na mahal!’’

Hindi malaman ni Marikit ang gagawin sa pagkakataong iyon. Gusto niyang kurutin sa braso si Benhur para huwag magsalita nang ganoon dahil baka marinig ni Lolo.

Hanggang sa magtawanan sina Benhur at si Lolo.

‘‘Bakit kayo nagtatawanan?’’

‘‘Kasi’y kanina ka pa tensiyonada at gusto mo akong batukan dahil panay ang I Love You ko sa iyo. Hindi mo alam na matagal nang alam ni Lolo ang pag-iibigan natin. Sinabi ko na sa kanya, Marikit.’’ At pagkatapos ay binalingan si Lolo Kandoy. “Di ba Lolo?’’

Tumango si Lolo Kandoy. Nakangiti ito.

‘‘Naisahan n’yo ako!’’ Kinurot ni Marikit sa braso si Benhur at saka tumawa nang tumawa. ‘‘Magkasabwat na pala kayo e hindi ko pa alam!’’

Sa isang restaurant sila kumain.

‘‘Mas masaya sana kung narito si Sir Alexis ano, Benhur.’’

“Oo nga.’’

“Sabi kasi niya sa sulat, pinag-iisipan niya kung ano ang mga gagawin para mapaunlad ang Isla Paraiso. Marami na raw siyang plano at gusto niya, maisakatuparan iyon, once na siya ang manalo sa idaraos na election next year.’’

“Tiyak na panalo na siya dahil walang kalaban. Ang mga isla ay nagkakaisa para kay Sir Alexis,’’ sabi ni Benhur.

‘‘Ngayon pa lamang ay excited na ako. Sa unang pagkakataon ay magkakaroon nang mahusay na pinuno ang Isla Paraiso. At palagay ko, simula na nang pag-unlad ng buhay ng bawat tao sa Isla.’’

Nang magsalita si Lolo Kandoy ay nagulat sina Benhur at Marikit sapagkat mayroon pa itong sinabi sa magagandang balak ni Sir Alexis.

“Sa akin lang niya ito sinabi. Ipamimigay pala niya ang kanyang yaman at alam n’yo kung kanino niya ibibigay?’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with