^

Punto Mo

Inakalang bomba mula pa noong WW 2, malaking pipino lang pala

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG labis na nag-aalalang residente sa Germany ang tumawag sa mga kinauukulan upang ireport ang inakala niyang bomba na nagmula pa noong World War 2 na natagpuan niya sa kanyang hardin.

Ngunit wala naman palang dapat ikabahala ang la­la­ki at ang mga kapitbahay niya dahil ang kanyang nadiskubre sa kanyang hardin ay isa lamang palang malaking pipino.

Dumating kaagad ang mga pulis sa bayan ng Bretten noong umaga ng Huwebes matapos silang tawagan ng 81-anyos na residente.

Ayon sa pahayag ng pulisya na inilabas matapos ang insidente ay ininspeksyon na ng kanilang mga tauhan ang sinasabing “bomba” at napag-alaman nilang isa lamang pala itong 16-pulgadang pipino.

Aminado naman ang mga pulis na mukha nga talagang bomba ang pipino lalo na dahil sa napakaitim na kulay nito at sa bigat nitong aabot ng limang kilo.

Naniniwala naman ang mga nag-imbestiga na maaring may naghagis ng pipino sa bakuran ng matanda kaya niya ito natagpuan sa kanyang hardin.

Hindi naman masisisi ang matanda sa labis na pag-aalala nito dahil maraming bomba na hindi pa sumasabog ang natatagpuan sa Germany na kadalasang nagiging dahilan ng malawakang evacua­tion mula sa mga apektadong lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with