^

Punto Mo

PNP-SAF, malaki ang role sa giyera vs ISIS sa Marawi!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

UULANIN tiyak ng batikos si PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa tinuran niya na i-promote lahat ng Special Action Force (SAF) na lumaban sa Marawi City. Siyempre, ang unang argumento na maririnig ay bakit ang SAF lang ang ma-promote at hindi kasama ang mga Army at Philippine Marines. May punto rin naman ang mga kritiko ni Bato, di ba mga kosa? Subalit sa pagkukuwento ni Bato sa mga mistah niya, malaking papel ang ginampanan ng taga-SAF sa pagpaslang kina Isnilon Hapilon at Omar Maute, ang mga lider ng ISIS-inspired Maute group. Kahit ang militar ang umako sa pagpatay kina Hapilon at Maute, bilib talaga si Bato sa ginawa ng kanyang mga tauhan sa Marawi. Ang katwiran ni Bato, giyera naman kasi kaya hayaan na ang militar na sila ang bida. Hak hak hak! Marunong din palang magpakumbaba si Bato, ano mga kosa? Pagkakataon na niyang umani ng sandamakmak na pogi points subalit hinayaan na lang niya ang militar na maging sikat.

Masaya na ikinukuwento ni Bato na ang tropa na pinangungunahan ni Sr. Supt. Rolando Anduyan, ang deputy regional director for administration (DRDA) ng ARMM ang talagang pumukpok sa tropa nina Hapilon at Maute. Sa kuwento ni Bato, may right-hand man si Hapilon na tumawag sa isang Muslim elder at humingi ng saklolo subalit sa hindi malamang dahilan ay nakarating kay Anduyan ang info. Kaya halos isang linggo na binantayan ng mga tropa ni Anduyan ang building kung saan nagtatago sina Hapilon at Maute. Teka nga pala! Ang sector kung saan nakatoka kay Anduyan sa Marawi City mga kosa ay hindi lang SAF ang dala kundi may mga Army din at Marines. Sinabi pa ni Bato sa mga kosa ko na halos isang linggong binantayan ng tropa ni Anduyan ang building at nagkaroon lang ng linaw nang may lumabas na dalawang babae sa pinagtataguan nina Hapilon at Maute. Kinumpirma ng dalawang babae ang info na nakarating kay Anduyan. At naengkuwentro nga ng mga Army at SAF ang tropa nina Hapilon at Maute kaya hayun, nayari ang mga terorista. Hak hak hak! Puwedeng isapelikula ang pagpatay kina Hapilon at Maute ah? Ano sa tingin mo Gen. Bato Sir? Puwedeng-puwede, di ba mga kosa?

At dahil abot ni Bato ang trabaho ni Anduyan sa Marawi City, naimbiyerna siya nang may nagtanong sa kanya sa media briefing na may nagkukuwestiyon dito na senior officers ng PNP dito sa promotion ng huli. Itong position kasi ni Anduyan na DRDA mga kosa at TO position para maging heneral. Si Anduyan kasi mga kosa ay miyembro ng PMA Class ’90 at sa kasalukuyang ay mga class ’87, ’88, at ’89 ang nakasalang para ma-promote na heneral. Dahil naman sa role niya sa bakbakan sa Marawi, ang staff officers ni Bato ay pumapayag na ma-promote si Anduyan dahil “special case” ang kanyang kaso. Saka may go signal naman kay Pres. Digong ang promotion ni Anduyan dahil nagrereport naman ang military sa kanya tungkol sa ginampanang role ng huli sa bakbakan sa Marawi City. Hak hak hak! May reklamo pa ba kayong mga senior officers sa PNP tungkol sa promotion ni Anduyan? Maghabol kayo sa tambol mayor dahil bagyo si Anduyan kay Digong. Get’s n’yo mga kosa?

Hinamon naman ni Bato ang senior officers na komokontra sa promotion ni Anduyan na sumabak din sila sa giyera para ma-promote din sila at hindi ‘yung nagpapalaki lang sila ng bayag nila sa air-conditioned nilang opisina. “Pumunta sila sa Marawi, makipagpatayan sila roon sa mga terrorista kung gusto nilang (ma-promote) because that’s what Col. Anduyan did,” ani Bato. “Andun s’ya, na-wounded s’ya sa encounter. Anong gusto n’yo. Porke senior kayo. Senior kayo andyan lang kayo sa opisina, walang ginagawa, kayo i-una kong i-promote?” ang dagdag pa ni Bato. Ano laban kayo nga senior officers? Hak hak hak! Ang natuwa naman sa pag-promote ni Anduyan ay ang mga mistah n’ya sa Class ’90 dahil mapapalinya na ang klase nila sa promotion sa pagka-heneral. Hala blowout na Gen. Anduyan Sir! Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with