^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi magandang halimbawa

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi magandang halimbawa

NOON pa marami nang kongresista ang traffic violators at hindi na iginagalang ang mga traffic enforcers. Dahil ang sasakyan ay Numero 8, malakas ang loob na mag-overtake sa kapwa motorista. Kahit dilaw na ang ilaw sa traffic light, tuluy-tuloy pa rin at walang pakialam. Sa batas sa trapiko, ang dilaw sa traffic light ay warning para bumagal tumigil at hindi para magmabilis. Karamihan din sa mambabatas ay walang pakialam kung humawi ng mga motorista kapag nagmamadali sila. Mayroon silang mga escort na “pulis hagad” para tumabi ang mga motorista.

Pero sa kabila nito, nais pa ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas na bigyan pa ng kaluwagan ang mga katulad nilang mambabatas habang nasa kalye. Huwag na raw sitahin ng traffic enforcers ang mga mambabatas na masasangkot sa maliliit na traffic violations. Huwag na raw abalahin pa sapagkat maaaring ma-late sa session ang mambabatas.

Ipinaliwanag ni Fariñas na nakasaad sa Saligang Batas na immune sa aresto ang mga mambabatas na may sesyon sa Kongreso. Hindi raw dapat maantala ang mga ito. Ganunman, sinabi ni Fariñas na kapag ang violations ay may katumbas na pagkakulong ng anim na taon, hindi ito sakop ng immunity.

Hindi magandang halimbawa sa mamamayan ang balak ni Fariñas na huwag nang abalahin ang mga mambabatas na masasangkot sa maliit na traffic violations. Porke ba mambabatas sila ay palalampasin na lang. Hindi naman tama ito. Dapat pa nga ay ang mam­babatas ang magbigay ng halimbawa sa mamamayan na sumunod sa batas trapiko. Dapat ang mga mambabatas ang magpatupad ng batas at hindi sumuway sa batas.

Katwiran ni Fariñas ay nagmamadali ang mga mambabatas dahil may session kaya maaring ma­kagawa ng traffic violations. Gaano naman nakasiguro si Fariñas na patungo sa session ang mambabatas kaya nagmamadali. May mga sasakyan na “8” ang plaka ay nakikitang nakaparada sa mga KTV club at massage parlor.

Hindi nararapat na ilibre o huwag sitahin ang mambabatas sa traffic violations, tiketan sila gaya ng ginagawa sa ibang motorista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with