^

Punto Mo

Promdi pa rin ang bida

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

ISANG malaking katanu-ngan ngayon kung bakit wala ni isa man ang nakapasok sa top 10 sa 2016 Bar examinations mula sa law schools dito sa Metro Manila.

Tradisyon na sa Bar exams na kasama sa top 10 ang law graduates sa kilala at mala-king unibersidad sa MM.

Wala sa top 10 ang University of the Philippines (UP), Ateneo de Manila University (ADMU) at San Beda College.

Ang San Beda ang pinagmulan ni Pres. Rodrigo Duterte, Justice secretary Vitaliano Aguirre, Sen. Leila de Lima at iba pang kongresista at prominenteng abogado.

Marami ring sumikat na abogado at nakahawak ng posisyon sa gobyerno at naging mahistrado ng Sandiganbayan, Court of Appeals at Supreme Court  ang nagmula sa Ateneo de Manila at UP.

Pero sa sorpresang resulta ng 2016 Bar exams ay law graduates mula sa unibersidad sa probinsya ang umokupa sa top 10 tulad ng University of San Carlos sa Cebu, Silliman University, Andres Bonifacio College at Ateneo de Davao.

Tila sinusuwerte ang mga taga-probinsiya at namamayagpag ang mga ito sa pangunguna ni President Duterte.

Maganda ang idudulot na epekto ng 2016 bar examinations dahil muling pinatutunayan nito na hindi lamang ang mga prominente at malalaking unibersidad sa MM ang dapat dayuhin ng law students at nangangarap na maging abogado.

Madalas kasi ang persepsiyon na mas matino at maayos ang kalidad ng mga law school sa MM at maliit ang tingin sa mga nasa probinsiya pero ngayon ay binago ang ihip ng hangin at namayagpag ang promdi law graduates.

vuukle comment

UP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with