^

Punto Mo

Sa total war ni Digong, sugal lupa sarado!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Nagwala ang lasing na si Supt. Hari Lapuz, ang deputy chief of National Capital Region ng CIDG, sa Club Apeiro Entertainment & KTV Bar sa Roxas Blvd., sa Baclaran, Parañaque City noong Lunes ng madaling araw. Pinagbabasag ni Lapuz ang mga bote ng beer sa isang VIP room ng naturang establisimento. Siyempre, ang mga empleado ng establisimento ay humingi ng tulong sa PCP 1 sa Baclaran at nagresponde naman ang mga pulis. Sa kasamaang palad, dahil sa kalasingan, sinakal ni Lapuz ang isa sa mga nagrespondeng pulis na si PO3 Jorefil Manigos. Inaresto si Lapuz at dalawa pang kasama subalit napakiusapan na ‘wag magreklamo si Manigos. Habang hindi pa nawala ang espiritu ng alak sa kanyang katawan, panay bitaw ni Lapuz ng salita na bagyo siya kina CIDG chief Dir. Roel Obusan at PNP chief Dir. Gen. Bato dela Rosa. Nararapat lang sigurong mapasama sa second batch ng mga pulis na matapon sa Basilan si Lapuz, dahil hindi lang minsan niyang ginawa ang pagwawala sa nightclub, anang mga kosa ko. Maoy pala si Sir!

* * *

Konektado pala sa all-out war ni Pres. Digong ang planong expan­ded Small Town Lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ang plano pala ng PCSO ay ipasara ang lahat ng sugal lupa para ang mga sugarol na Pinoy ay walang ibang mapagbalingan kundi sa STL na lang. Kaya lang may agam-agam ang mga nakikinabang sa sugal lupa dahil wala silang marinig sa PCSO kung ano ang magiging kabuhayan nila o pampatawid gutom sa kani-kanilang pamilya. Hindi nangangamba ang 173,000 cabo at kubrador ng STL o bookies nito na jueteng dahil kasama sila sa plano ng PCSO. Subalit paano na lang ang mga empleado ng bookies ng karera, ending, video karera, sakla, color games, mahjong, tong-its, fruit games at iba pa? Ano ang role nila sa expanded STL ni PCSO chairman Jose Jorge Corpuz? Scary, di ba Vice Pres. Leni Robredo Mam? Hehehe! Dapat basagin ni Corpuz ang katahimikan niya sa mga tanong na ito ng mga ma-displace na trabahador ng sugal lupa, di ba mga kosa?

Kung sabagay, sa isang banda maganda naman ang plano ng PCSO dahil ang mahihirap ang makinabang sa expanded STL nila. Kapag ang mga sugarol ay sa STL na lang tataya, bilyon ang maiakyat sa PCSO at dito kukunin ang hospitalization ng mga kapuspalad. Hindi lang ‘yan, dito rin sa pondo ng PCSO kukunin ang gamot at iba pang pangangailangan ng mga senior citizens, ayon sa mga kosa ko. Kaya lang, hindi pa naarok ng mga mahihirap itong magandang plano ng PCSO, na sinang-ayunan naman ni President Digong kaya nag-utos ito ng all-out war vs sugal lupa. Boom Panes! Hehehe! Baka kulang lang sa information drive itong PCSO o talagang wala pa silang implementing rules and regulations (IRR) dito sa expanded STL program nila?

Kapag napasara ang lahat ng sugal lupa, hindi na puwedeng maggerilya ang gambling lords dahil itotokhang sila ni PNP chief Dir. Gen. Bato dela Rosa. At kapag napatunayan na may naggerilya sa isang lugar, talsik ang hepe ng pulisya dahil sa paiiraling “one strike” policy ni Dela Rosa. Kaya baka maubos ang mga pulis dito sa Metro Manila kapag nakipagsabwatan sila sa gambling lords sa gerilya operation, di ba mga kosa? Tumpak!

Kaya nga nabuhayan ng loob, hindi lang ang mga cabo at kubrador ng sugal lupa, kundi maging ang mga gambling lords bunga sa desisyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ihinto ng PCSO ang kanilang expanded STL operation dahil wala ito sa kanilang charter. At nanalangin sila na magising sa katotohanan itong si Digong at linawin muna na mayroon silang trabaho bilang pantawid gutom sa kanilang pamilya, bago mag-desisyon ng total war vs sugal lupa nga. Hehehe! Pag nagkataon, ang unang isumpa ng mga apektado sa expanded STL ay si Corpuz, na matapos makinabang sa sugal lupa ay kinamumuhian na niya! Kasunod siyempre si Digong, di ba mga kosa? Abangan!

 

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with