Sir Juan (96)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 17, 2016 - 9:00am

“ANONG ipagagawa mo, Nec?’’ Tanong ni Gringo na tila naghihinala na inuuto lamang siya ni Nectar.

“Ligawan mo si Ma­hin­hin!’’

‘‘Ano? Pambihira ka naman, ikaw nga itong type ko e tapos paliligawan mo pa sa akin si Mahinhin. Hindi ko type ang nude dancer.’’

‘‘Liligawan mo lang pero hindi mo tototohanin.’’

“Lolokohin ko lang ganun.’’

“Oo.’’

“Pero baka hindi ko ka-yanin. Hindi ko nga type ang babaing naghuhubad.’’

“E kung ako ang maghubad sa harap mo?’’

“Aba e di okey! Ikaw nga ang type ko di ba?’’

“Kapag nagawa mo ang ipagagawa ko, maghuhubad ako sa harap mo. Walang saplot! Bukod dun, puwede mo na ring mahipo…’’

Napalunok si Gringo. Pero nag-isip siya. Di ba ganito rin ang pangako ni Nectar sa kanya nung kukunan niya ng picture si Mahinhin. Mahihipo na raw niya ang ‘‘ano’’ ni Nectar. Pero hindi naman ito tumupad. At ngayon eto na naman. Nangako na naman. Duda na siya.

“Ano Gringo, liligawan mo ba si Mahinhin? Mag­huhubad ako sa harap mo kapag nagawa mo ‘yun at puwede mong hipuin ang nasa likod ng pugad ng The Raven. Baka nga hindi lang hipo. Baka magpaangkin pa ako sa’yo…’’

Halos manuyo ang lalamunan ni Gringo sa narinig kay Nectar. Magpapaangkin pa raw sa kanya.

‘‘Baka niloloko mo lang ako, Nec.’’

“Hindi kita niloloko, Gringo totohanan ito.’’

Nag-isip si Gringo.

Hanggang magpasya siya.

“Sige, liligawan ko si Nectar.’’

‘‘Good. Sige punta ka sa boarding house namin ha. Dun mo liligawan si Nectar. Bahala ka sa diskarte. Gusto mo, dalhan mo ng roses.’’

“Sige. Pupunta ako sa boarding house n’yo.’’

Napangiti si Nectar. May naglalaro na namang bagong plano sa kanyang isip kaya niya paliligawan kay Gringo si Mahinhin. Tiyak na hindi na siya sasablay sa pagkakataong ito.

ISANG umaga, tinungo ni Nectar ang opisina ni Sir Juan. Mayroon siyang lilinawin dito.

Naabutan niyang may ginagawa sa laptop si Sir Juan.

‘‘Sir Juan, puwede kang maistorbo?’’

‘‘Puwede Nectar. Ano ba ‘yun?’’

“Bumalik na pala si Ma­hinhin? Pinayagan mo ba siya na tumira uli rito kahit na nude dancer siya? Kakahiya naman ang trabaho niya. Sana hindi mo na lang tinanggap.’’

Hindi agad su­magot si Sir Juan. Nagpa-kahinahon siya. Hindi niya basta-basta mapapaga­litan si Nectar ukol sa ginawa kay Mahinhin. Hindi muna ngayon.

(Itutuloy)

ACIRC ANG ANO ANO GRINGO HINDI MAHINHIN NECTAR PERO SIGE SIR JUAN SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with