‘Happy New Year, Iboto niyo ‘ko’
- Tony Calvento (Pang-masa) - January 1, 2016 - 9:00am

NALALAPIT NA ANG ELEKSYON puspusan na ang mga pulitiko sa pangangampanya. Kanya-kanyang sabit ng pinakama-laking tarpaulin para matandaan ng tao.

Lahat ng pulitiko kumakayod na at ginagawa na ang lahat para makahatak ng malaking boto. Isa sa mga kandidato na sinasagot lahat ng batikos sa kanya ay si Sen. Grace Poe na tatakbo sa pagka-Presidente.

Hanggang ngayon ay nakikipaglaban pa siya para mapayagang makatakbo sa Halalan 2016.

Nitong nakaraan naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court (SC) laban sa desisyon ng Commissions on Elections (Comelec) sa pagdidiskwalipika ng Certificate of Candidacy (COC) ni Sen. Grace.

Ang abogado naman ni Sen. Grace na si Atty. George Garcia ay nagsabing nag-file sila ng petisyon para hilingin na sina Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justices Teresita Leonardo de Castro at Arturo Brion na bumoto sa Senate Electoral Tribunal (SET) na mag-inhibit sa proceedings.

Umaasa naman si Sen. Grace na ang SC ay magdedesisyon tulad ng ginawa nito noong 2004 tungkol sa kanyang ama at hahayaan ang taumbayan ang mamili para sa isang ‘democratic elections’.

Ang TRO na ito ay dalawampung araw lamang at sa Enero 19, 2016 ay magkakaroon ng ‘oral argument’ tungkol dito.

Ang TRO na ito ay upang hadlangan lang na tanggalin ang pangalan ni Sen. Grace sa balota pero hindi ibig sabihin nito na lusot na siya sa mga ‘disqualification cases’.

Hiling ng kampo ni Sen. Grace ay pag-isahin na lahat ng kasong isinampa laban sa kanya.

Upang mapatunayan niyang siya’y karapat-dapat na tumakbo bilang Presidente dinayo niya ang ilang lugar na maaaring makapagturo sa kanya kung sino nga ba ang tunay niyang mga magulang.

Ang pinakahuli niyang pinuntahan ay ang Guimaras kung saan sinasabing naroon ang kanyang tiyahin na makakapagpatunay na may kamag-anak siya dito.

Hinukay nila ang pinaniniwalaang tunay na mga magulang ni Sen. Grace sa East Valencia Public Cemetery sa Buenavista.

Ang unang hinukay ay ang katawan ni Victoria Rodriguez na hinihinalang tunay na ina ni Sen. Grace. Kumuha ng parte ng buto sa kanyang hita para sumailalim sa DNA testing at kung magtutugma ba sa Senadora.

Hinukay din ang katawan ni Francisco Montañez at anak na si Pacquito para sa ‘paternal line’ ng Senadora. Pinaniniwalaan kasing isa sa kanila ang ama ni Sen. Grace.

Kinuhanan din ng sample ang umano’y tiyuhin at tiyahin niya. Ayon sa tiyahin umano ng Senadora na si Lorena Dechavez ngayon lang sila lumutang dahil naiipit na si Sen. Grace at para magtuluy-tuloy na daw ang pagtakbo nito.

Sa mga ginagawang ito ni Sen. Grace na maging ang nahihimlay na katawan ng patay ay pinahukay para lang makatakbo ksa pagka-Presidente. Ito lang kasi ang paraan para mas mapadali ang proseso na masabi niyang siya’y Pilipino.

Sa darating na eleksyon ang taumbayan pa din ang magdedesisyon kung sino ang ilalagay nila sa posisyon. Ilang buwan na lang at eleksyon na.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

           Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

ACIRC ANG ARTURO BRION ASSOCIATE JUSTICES TERESITA LEONARDO GRACE MGA NBSP PARA SEN SENADORA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with