Hollywood stars na rumaraket
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - August 11, 2015 - 10:00am

(Last Part)

…nagpapabayad sa fans na humihiling ng Autograph at Photo Opp

Beyonce

Noong 2009 concert tour ni Beyonce, doble ang kanyang kinita: Ticket sa concert at ticket sa meet-and-greet na nagkakahalaga ng 1,200 Pounds per person. Kagaya ni Avril Lavigne, suplada rin ito sa personal. Bawal ang pakikipagkamay at pagyakap, photo opp lang at autograph.

Rihanna

Medyo sulit ang bayad ng fans sa meet-and-greet ticket ni Rihanna na mas mura kumpara sa presyo nina Justine Bieber at Beyonce, 340 Pounds lang. Bukod sa  photo opp, may kasama itong photo ni Rihanna na may pirma niya, relo at commemorative laminated pass.

Katy Perry

Sa halagang 319 Pounds na meet-and-greet ticket, makakatanggap ang fans ng gift bag, laminated pass, free parking at photo opp.

Ang iba pang sikat na nagpapabayad para sa meet-and-greet ay sina Britney, One Direction, Jessie J. , Madonna, at marami pang iba. Ang nagtutulak na gawin ito ay ang mababang kinikita ng mga album. Dito nag-ugat ang may bayad na meet-and-greet pagkatapos ng concert ng isang artist o banda.

May pumuna na nagiging ganid na raw sa pera ang mga artista sa kasalukuyan. “Chicken” lang sa mayayamang fans ang itina-charge nila sa meet-and-greet ticket pero paano naman ang mahihirap? Tanaw-tanaw  na lang sa TV ang mararanasan. Buti at hindi pa nauuso dito sa atin ang ganoong trend sa Hollywood.

ANG AVRIL LAVIGNE BEYONCE JESSIE J JUSTINE BIEBER KATY PERRY LAST PART ONE DIRECTION PHOTO OPP RIHANNA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with