^

Punto Mo

Manong Wen (107)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HUMAWAK nang mahigpit sa baywang ni Jo si Princess. Ito ang ikalawang pagkakataon na nakaangkas siya sa motor. Ang una ay noong tulungan siya ng isang janitress ng school. Tinatakasan niya ang dalawang lalaking naghihintay sa kanya sa gate ng school. Nakaligtas siya. Nahiwagaan siya sa janitress na tumulong sa kanya. Pakiramdam niya, guardian angel niya ang janitress.

Ngayon, habang nakahawak nang mahigpit ang dalawang kamay niya sa baywang ni Jo, pakiramdam niya guardian angel din ito. Nakadama siya ng seguridad. Mayroon nang tutulong sa kanya para hanapin si Precious. Hindi na siya natatakot ngayon dahil alam niya, kayang-kaya siyang ipagtanggol ni Jo.

“Ano kaya ang dahilan at kinidnap si Precious?” tanong niya kay Princess.

“Hindi ko alam Jo. Palagay ko malalim na dahilan.”

“Hindi kaya sindikato ito na nangingidnap ng mga virgin para ipagbili sa mga Tsino.’’

“Posible Jo.’’

“At palagay mo, si Chester din ang nasa likod ng pangi-ngidnap?”

“Oo. Siya lang maaaring gumawa niyon. Minsan na niyang tinangkang kidnapin si Precious. Nakapagtago lang si Precious.’’

“So talagang may mga ma­lalaking tao sa likod ng kidnapping.’’

“Oo, Jo. Bilisan pa natin at baka kung ano ang gawin kay Precious.’’

“Palagay ko hindi lamang sa Tsino ipagbibili ang mga kinikidnap kundi pati na rin sa Japanese.’’

“Diyos ko. Kawawa ang kapatid ko.’’

Binilisan pa ni Jo ang pagpapatakbo sa motor. Kaila-ngang maabutan nila ang van.

Wala silang matanaw sa tuwid na highway. Malayo na ang van. Narinig ni Jo ang hikbi ni Princess.

“Huwag kang umiyak. Ma­aabot din natin sila,’’ sabi niya rito.

Hanggang sa marating nila ang kurbadang lugar --- mistulang bitukang manok sa bagsik ng kurbada.

Marahan na marahan sa pagpapatakbo si Jo. Baka maaksidente sila ay lalo nang hindi nila makita si Precious.

Paglampas sa isang kurbada, natanaw nila ang isang silver na van. Iyon na marahil ang hinahabol nila.

“Kapit Princess at bibili­san ko pa. Lalampasan natin ang van at saka natin hahara-ngin sa isang liblib na lugar.’’

Humawak si Princess. Itinodo ni Jo ang pagpapatak­bo. Umatungal ang motor.

(Itutuloy)

ANO

BILISAN

KAPIT PRINCESS

NIYA

OO

PALAGAY

POSIBLE JO

SIYA

TSINO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with