^

Punto Mo

EDITORYAL – Hindi tumpak na proposal ng LTFRB

Pang-masa

MUKHANG hindi pinag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang galaw ng mga sasakyan sa EDSA kaya hindi tama ang mga inihahaing proposal. Di ba dapat sila ang unang nakaaalam ng mga bagay-bagay na nagdudulot nang matinding trapik sa EDSA? Bulag ba ang taga-LTFRB at hindi nila nakikita na kaya nagkakaroon nang pagkabuhul-buhol ang trapiko sa EDSA ay dahil sa mga bus na naghambalang sa mga lugar na hindi naman dapat pagsakyan at pagbabaan? At ang matindi pa, ang mga naghambalang na bus ay mga kolorum. Kung sino pa ang mga walang karapatang bumiyahe, sila ang nasa gitna ng kalye at nagiging dahilan ng trapik. Ang mga legal na bus na dapat ay makinabang sa pagsasakay ng mga pasahero, sila pa ang nalulugi at natatalo.

Pero hindi ito nakikita ng LTFRB. At ang proposal pa ng isang LTFRB board member, huwag padaanin sa EDSA ang mga pribadong sasakyan para mapagbigyan ang mga pampasaherong bus. Susmarya! Saan naman nakakita ng ganitong proposal? Ang mga may-ari ng pribadong sasakyan ang pahihirapan para lamang makabiyahe nang maluwag ang mga bus na karamihan ay colorum.

Sabi ni LTFRB board member Ariel Inton, babawalang dumaan sa EDSA ang mga pribadong sasakyan mula 6 a.m. hanggang 9 a.m. apat na beses isang linggo. Ito ay para lumuwag ang trapiko at mabigyan ng pagkakataon ang mga pampasaherong bus na makabiyahe.

Kakatwa ang proposal na ito. Maski si MMDA chairman Francis Tolentino ay hindi ma-take ang proposal. Unrealistic daw. Hindi raw ubra ang plano ni Inton.

Mas mabuti pa kung ang gagawin ng LTFRB ay walisin ang mga colorum na bus sa EDSA. Kapag nawalis ang mga illegal, luluwag ang EDSA at marami ang masisiyahan. Huwag mga pribadong sasakyan ang walisin.

vuukle comment

ARIEL INTON

BULAG

BUS

EDSA

FRANCIS TOLENTINO

HUWAG

INTON

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with