^

Punto Mo

‘Alipin sa utang’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMI sa ating mga kababayan, “alipin” sa utang. Ito ang reyalidad na hindi masyadong nabibigyan ng atensyon at pansin pero totoong nararamdaman ng karamihhan.

Sila ang mga nabubuhay nalang para mangutang at magbayad ng utang. Sa madaling sabi, tinanggap na nila itong kabahagi na ng kanilang buhay.

Hindi pinag-uusapan dito kung magkano ang kinikita ng isang empleyado o manggagawa. Maliit man o malaki ang sweldo, ang punto dito ay kung paano ginagasta ang kaniyang kinita.

Sinumang indibidwal, kapag nabaon na sa utang, alipin na sa kaniyang pinagkakautangan.

Apektado at nasasakripisyo ang kalidad ng kaniyang pamumuhay dahil ang kaniyang isipan, nakatuon nalang kung paano niya mababayaran ang kaniyang obligasyon.

Kaya pinapaalalahanan ng BITAG ang publiko. Hindi dapat ginagawang ugali ang pangu­ngutang. Maliban na lamang kung ito ay emergency,biglaang nangailangan o may pagga­gamitan na hindi inaasahan. Dahil kapag ikaw ay may pinagkautangan, ang tingin sa iyo ay isa ng mababang-uring indibidwal.

Hangga’t mayroong nagpapautang at nangungutang, may malulubog at mayroong magiging alipin sa kanilang kinabukasan.

Ang kasalatan sa buhay, sa aspeto man ng pinansyal, materyal o kaalaman ay hindi dapat maging dahilan para maging alipin at sabihing “nabili” na ng kaniyang amo o taong pinagkakautangan.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ABANGAN

APEKTADO

DAHIL

HANGGA

KANIYANG

KAYA

MALIBAN

MALIIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with