^

Punto Mo

Okay ba ang generics na gamot?

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

MAY isyu pa rin tungkol sa generics na gamot at branded na gamot. May kanya-kanyang opinyon. Alamin natin ang totoo.

Ano ang mura?

Halos 10 doble ang taas ng presyo ng branded kaysa sa generics. Kaya mas makatitipid dito ang pasyente. Ang generic na paracetamol ay 25 sentimos lamang bawat tableta kumpara sa may brand na P3.00 ang isa.

Ano ang mabisa?

Parehong mabisa. Ngunit posibleng mas mabisa ng kaunti ang branded drugs laban sa generics. Maihahalintulad iyan sa hamburger. Masarap at nakakabusog ang hamburger sa Jollibee (P24 lang), pero ang hamburger sa magarang hotel (P250) ay mas masarap pa.

Ganoon din sa gamot. Sa aking palagay, may pailan-ilan na generic na gamot ang mas mahina ng 10-20% kumpara sa branded drugs. Nasasabi ko ito base sa 19 year experience ko sa paggamit ng generics sa aming Pasay Filipino-Chinese Charity Health Center na tumitingin sa 400-500 katao bawat medical mission.

Generic o branded ang pipiliin?

Simple lang ang sagot. Kung ikaw ay gipit sa pera, gumamit na lang ng generics. Gagaling ka rin. Ngunit kung ika’y may kaya sa buhay, puwede kang bumili ng mga branded.

Sang-ayon ako sa mga pribadong doktor tungkol sa issue ng kalidad ng gamot. Pero papaano naman ang mga mahihirap? Ang sabi lagi ng pasyente ko sa akin, “Dok, di namin kayang bilhin ang niresetang (branded na) gamot ng doktor ko.”

Bakit kaya pinipilit ni Dok magbigay ng branded na gamot kahit sa namumulubing pasyente? Ang isyu ba talaga ay kalidad?

Para sa kapakanan ng buong bayan, mas mainam pang mag-generics na lang tayo. Bababa ang presyo ng gamot. At maraming kaawa-awang Pilipino ang makikinabang dito. Marami nang generics na botika na mabibilhan. Good luck po!

 

vuukle comment

ALAMIN

ANO

BABABA

BAKIT

BRANDED

DOK

GAMOT

GENERICS

NGUNIT

PASAY FILIPINO-CHINESE CHARITY HEALTH CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with