‘Ang nakaraan at darating na taon’
- Tony Calvento (Pang-masa) - January 1, 2013 - 12:00am

HAPPY new year! Unang araw ng taong 2013… Maligaya kami na nandito pa rin kami na handang tumulong sa inyong mga nangangailangan. “Kung nasa likod niyo ang katotohanan… Wala kayong dapat ikatakot!” Salitang tumatak na sa mga tagapakinig naming sumusubaybay sa “CALVENTO FILES” sa radyo ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882 KHZ. Tuwing Lunes hanggang Biyernes 3:00-4:00 ng hapon. Kada Sabado 11:00 umaga- 12:00 ng tanghali. Hindi kami nag-iisa sa pakikipaglaban na makamit niyo ang hustisya! Sa loob ng isang dekada, nakasama ninyo ang “CALVENTO FILES” sa himpapawid at dahil d’yan nais namin kunin ang pagkakataong ito na magpasalamat sa lahat ng aming masugid na tagapakinig hindi lang sa buong Pilipinas pati na rin sa mga kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFW’S) na tumututok sa U-Stream: WWW.DWIZ882.COM para mapanuod kami ‘live’ at masilayan ang ating mga ‘lady co-hosts’ na sina Floricel Boncay, Pauline Ventura, Carla Calwit, Chen Sarigumba at Monique Cristobal. Asahan ninyong ngayon Year of the Water Snake na ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ay patuloy na magbibigay serbisyo publiko sa mga kababayan nating biktima ng krimen o karahasan. Kaagapay ninyo ang aming programa sa pagkamit ng hustisyang naging mailap na sa ilan… hustisyang pinatahimik ng takot at pinabagal ng impluwensya. Hindi titigil ang aming grupo sa pagtulong sa mga taong api at sumuko nang makuha ang hustisyang kanilang inaasam.

Sa mga kababayan nating nais humingi ng ‘legal advice’ patuloy ang aming pakikipag-ugnayan sa Public Attorney’s Office (PAO) para tulungan kayong magsampa ng kaukulang kaso at ma­asistehan ng isang magaling na abogado. Kasama din ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa pangunguna nila Atty. Alice­ Vidal, Att­y. Marissa Manalo, Atty. Maria Rivera, Atty. Cherry Dela Cruz, Atty. Jose Cabrera, Atty. Gemma Dee, Atty. Felisberto Verano Jr., Atty. Dom Solis at iba pang mga miyembro ng IBP. Sila ang magpapalawak sa kaalaman ng ating mga kababayang kulang sa kaalaman pagdating sa batas. Sa pagdakip naman ng mga nagtatagong kriminal patuloy kayong hahabulin ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pamumuno ni Director Samuel Pagdilao at sa tulong ng kanyang Chief of Staff  na P/CINSP Ivy Castillo. Gayun din sa National Bureau of Investigation (NBI), kay Dir. Nonatus Roxas  at ang kanyang mga Deputy Directors. Sa Philippine National Police (PNP) naman ang bagong talagang si Dir. Gen. Alan Purisima at ang iba’t ibang Regional Directors, Provincial Directors, Chief of Police at iba marami pang iba. Maging ng Department of Justice (DOJ) kay Sec. Leila De Lima sa kanyang Deputy Chief  State Prosecutors, Regional State Prosecutors, City at Provincial Prosecutors,  at ang takbuhan ng bayan, ang DOJ Action Center (DOJAC) sa pamumuno ng Dir. Perla Duque ay walang sawang gagabay sa mga taong biktima ng krimen. Sa mga milyun-milyong nating OFW’S na nagkakaroon ng problema sa ibang bansa nandiyan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamumuno ni Usec. Rafael Seguis at iba pa nating Ambassadors, Consul Generals, Consuls at mga kawani ng ahensayang ito na talaga naman nitong nakaraang taon napakaraming natulungan.

Saan man panig ng mundo, ang DFA sa tulong ng ating embahada (Philippine Embassy) at mga inatasang ambassador ay laging handa para matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayang malayo sa piling ng mahal nila sa buhay. Katuwang si Asec. Jaime Ledda ng Office of Consular Affairs-DFA sa pagtulong, partikular sa usapin ng pasaporte at tamang pagkuha ng Visa. Sa paraang ito makakaiwas ang ating kababayan sa mga mapagsamantala (fixers).  Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay bukas rin para makipag-ugnayan sa mga ahensya ng ating mga OFW’S para alamin ang kanilang kondisyon sa labas ng bansa. Ang mga empleyado nating madalas tikom ang bibig para sa kanilang karapatan bilang isang manggagawa bibigyang boses ng National Labor and Relations Commission (NLRC) sa pamumuno ni Chairman George Nograles at nang kanyang mga commis­sioners. Tutulong ang NLRC para malaman nila ang kanilang karapatan pagdating sa mga benepisyo tulad ng Social Security System (SSS) at PhilHealth. Ang mga abusadong ‘employers’ sa NLRC mananagot. Sa usaping SSS, si Ms. Mae Rose Francisco ang head ng Media Affairs Department-SSS Main Office, Quezon City ang tutulay sa ating mga katanungan sa SSS death Benefits, pension at ibang benepisyong saklaw ng SSS. Pagdating sa problemang sibil tulad ng partihan ng lupa ang Land Registration Authority (LRA) sa tulong ni Atty. Eulalio Diaz III, Administrator at ang kanyang Exec. Asst. Aileen Coritana, pati na rin ang kanilang ‘legal department’ ang gabay ninyo, pagdating sa usaping lupa. Ang mga binanggit namin, ay ilan lang sa mga sangay ng gob­yerno at ahensyang katuwang ng ating programang  “HUSTISYA PARA SA LAHAT” na inyong maasahan sa inyong mga problemang legal. Patuloy ang aming tulungan!

Sa lahat ng aming tagapakinig at tagasubaybay ng aming pitak na CALVENTO FILES sa Pilipino Star Ngayon (PSN) at PangMasa (PM), hindi kami magsasawa para kayo’y ipaglaban. Layon ng aming­ programa, hindi man namin mabawasan ang bilang ng mga biktima ng krimen, maibsan man lang ang inyong dinadala sa buhay, na pagkalooban kayo ng hustisyang inaasam. Ngayong 2013, nais naming magpasalamat sa lahat ng ahensyang patuloy na tumutulong sa ating mga kababayan. Maging sa mga ‘complainant’ na nagtitiwala sa amin at syempre ang aming mga tagapakinig sa radyo at U-stream at tagasubaybay ng aming pitak. Isang MANIGONG BAGONG TAON! Bagamat nakaraan na ang 2012 narito ang 2013 para ipagpatuloy ang aming sinimulan. Ang “CALVENTO FILES” mula nung ‘hotline’ pa lang sa Channel 13, Channel 5 at pagkatapos sa Channel 2. Sa mga ‘tabloids’ na nagsimula nung 1990, ang nauna sa ganitong klase ng ‘public service’. Kami naliligayahan na dumarami na rin ang mga mamamahayag na tumutulong sa ating mga kababayan. Panibagong taon na naman at samahan niyo pa rin kami sa “CALVENTO FILES” sa radyo, ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT”.

Ako’y taos pusong nagpapa­salamat sa aking mga masisipag at dedikadong mga ‘staff’ tulad ni Monique Cristobal, Aicel Boncay, Pauline Ventura, Chen Sarigumba at Carla Calwit, sa lahat ng pag-ibig, pawis, luha… na halos ibigay na nila ang kanilang buong sarili sa paglilingkod sa inyo. Mas pinili nila ang landas ng makabuluhang trabaho kesa unahin ang glamoroso at makinang na propesyon. Ang Diyos na ang magbabasbas sa inyo at sa inyong mga pamilya! (KINALAP NG REPORTORIAL TEAM NG CALVENTO FILES)Ang aming numero 09198972854 (Monique) 09213263166(Aicel) at 09213784392(Pauline). Landline 6387285, 24/7 hotline 7104038. Address: 5th Floor CityState Centre Bldg. Shaw Blvd. Pasig City.

 

AMING ATING ATTY CARLA CALWIT LSQUO PARA
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with