^

Punto Mo

Higpitan din ang private plane

LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

AKALA natin ang pinaka-safe na sasakyan ay eroplano, pero hindi pala dahil may nakakalusot at hindi dumadaan sa maintenance. Halimbawa na lamang ay ang eroplanong sinakyan ni yumaong DILG secretary Jessie Robredo.

Ayon sa findings ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), poor maintenance at pilot error ang sanhi ng pagbagsak ng eroplanong sinakyan ni Robredo na ang piloto ay si Capt. Jessup Bahinting at flight student Kschitiz Chand. Si Bahinting ang may-ari ng kompanyang Aviators na nagpaparenta ng mga eroplano.

Ayon sa CAAP, nagkamali raw si Bahinting nang ituloy na paliparin ang Piper Seneca plane kahit nagka-aberya na ang makina nito. Nakipagsabwatan diumano ang Aviators sa CAAP inspectors upang makapasa ito kahit hindi maayos ang main­tenance. Dapat matukoy ng CAAP kung sino sa kanilang ins­pectors ang nakipagsabwatan sa Aviators upang ipasa sa pagsusuri ang kanilang mga eroplano.

Dapat siliping mabuti ang performance ng CAAP kung talaga bang natutugunan nito ang kanilang trabaho sa pagbabantay sa mga eroplano.  Maraming private plane ngayon na ang mga parukyano ay mayayamang opisyal ng gobyerno. May mga flying school na mapanganib sa mga estudyante.

Sana ay maghigpit na ang CAAP matapos ang kanilang findings sa pagbagsak ng eroplano na ikinamatay ni Robredo.

Ang mga commercial plane ay tinitiyak ang maintenance ng kanilang eroplano. Kapag may bumagsak, tiyak na bagsak din ang kanilang kompanya. Marapat lang na laging maghigpit ang pagbabantay ng mga otoridad sa mga eroplano pribado man o panpasahero.

vuukle comment

AYON

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

DAPAT

EROPLANO

JESSIE ROBREDO

JESSUP BAHINTING

KSCHITIZ CHAND

PIPER SENECA

ROBREDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with