^

Police Metro

Kakandidatong konsehal itinumba ng tandem

Cristina Timbang - Pang-masa
Kakandidatong konsehal itinumba ng tandem
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jose Luis Rieta Granados, nasa hustong gulang at mas kilala sa pangalang “Jholo Papi”, negosyante at residente ng nasabing barangay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang lalaki na kakandidato sanang konsehal ng bayan sa 2025 election ang pinagbabaril ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo habang pababa ng kaniyang sasakyan sa Brgy. Magdalo-Potol, Kawit, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jose Luis Rieta Granados, nasa hustong gulang at mas kilala sa pangalang “Jholo Papi”, negosyante at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat ng pulisya, papasok na sana ng kaniyang bahay ang biktima pagkababa nang dumating ang isang motor sakay ang dalawang armadong kalalakihan at agad pinagbabaril ang huli.

Nagpalabas naman si Cavite 1st District Congressman Ramon Jolo Revilla III ng reward na halagang P500,000 o kalahating milyong piso sa sinumang makakapagsabi o makakapagturo sa mga pumatay sa biktima.

vuukle comment

CAVITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with