^

Police Metro

Opisyal ng gobyerno na tutulong sa ICC probe, kakasuhan

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ng Department of Justice (DOJ) ang sinumang opisyal ng gobyerno na makikipag-tulungan sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni DOJ Assistant Secretary  Jose Dominic Clavano IV na malinaw ang direktiba ng Pangulo na hindi makikialam ang bansa sa imbestigasyon ng ICC tungkol sa umano’y paglabag sa karapatang pantao ng nakaraang administrasyon dahil sa ipinatupad na drug war.

Ang reaksyon ng opisyal ay kaugnay sa pahayag ni dating Senador Antonio Trillanes na ang ICC investigators ay nakikipag-ugnayan na sa mga aktibo at dating opisyal ng PNP tungkol sa imbestigasyon nila sa drug war ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Clavano, bagama’t hindi pa sila nakakatanggap ng ganitong impormasyon at kay Trillanes lang nila ito narinig,  malinaw naman na gu­magana ang justice system sa bansa at patunay dito ang maraming malalakas na kaso na naisampa at napanagot ang mga law enforecement officers na sangkot sa extrajudicial killings.

Dahil malinaw ang direktiba ng pangulo na hindi makikipag-ugnayan sa ICC, kaya ang sinumang sasalungat dito ay maaa­ring managot maging law enforcement o government official man at maaaring maalis sa pwesto.

Habang ang mga retired officials na makikipagtulungan sa ICC ay kakasuhan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with