^

Police Metro

Truck bawal munang dumaan sa Roxas Blvd.

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pansamantalang ipagbabawal ang pagdaan ng mga truck sa kahabaan ng Roxas Boulevard upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa gitna ng patuloy na kons­truksyon sa lugar.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Carlo Dimayuga III na ang pansamantalang truck ban ay nakitang solusyon ng mga Metro Manila mayor sa gitna ng konstruksyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isang proyekto partikular sa harap ng US Embassy.

Sinabi ni Dimayuga na naglabas na sila ng isang resolusyon na nagsasaad na ang mga trak at trailer na may kabuuang kapasidad na timbang na higit sa 4,500 kilo ay pansamantalang ipinagbabawal na dumaan sa Roxas Boulevard sa Maynila.

“This is to avoid deterioration and shall instead utilize the original truck routes from SLEX (South Luzon Expressway) to Osmeña Highway to President Quirino Avenue or from Port Area to SLEX,” ani Dimayuga.

Nagbigay naman ng gabay ang MMDA para sa alternatibong ruta para sa mga trak na sakop ng pagbabawal.

Ang magmumula sa South Luzon Expressway diretso sa Osmeña Highway hanggang Pres. Quirino Avenue, kumaliwa sa Plaza Dilao patungong Pres. Quirino Ext., kaliwa sa U.N. Avenue, kumanan sa Romualdez, kaliwa sa Ayala Avenue/P. Burgos Avenue, pagkatapos ay kumanan sa Bonifacio Drive patungo sa destinasyon.

Mula naman sa Port Area hanggang SLEX, gamitin ang Bonifacio Drive, kumaliwa sa P. Burgos/Ayala Blvd. tapos kumanan sa San Marcelino, kumaliwa sa Pres. Quirino Avenue saka kumanan sa Pres. Osmeña highway papuntang SLEX.

vuukle comment

ROXAS BOULEVARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with