^

Police Metro

Lola na 87-anyos patay sa sunog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 87-anyos na lola ang nasawi makaraang hindi makalabas sa nasusunog niyang bahay sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Lolita Matadling, nakatira sa Valenzuela Compound, Kaingin Road, Brgy. Sto. Niño, ng naturang lungsod.

Sa ulat, dakong ala-1:12 ng madaling araw nang magkasunog sa bahay ni Eduardo Matadling, anak ng nasawing lola.

Nabatid na nakaratay na lamang sa higaan si Lola Lolita dahil sa sakit at hindi na nagawang mailabas ng bahay ng mga kaanak dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.

Bumagsak pa ang sahig ng ikalawang palapag ng bahay nang tuluyang lamunin ito ng apoy.

Nadamay rin ang tinatayang 30 bahay sa sunog na pawang gawa sa light materials at nagresulta ng pagkawala ng tahanan ng nasa 60 pamilya at nagdeklara ng fire out ang mga bumbero, alas-2:52 ng madaling araw.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with