^

Police Metro

Vendor inatado ng saksak ng biyenan, dedo

Ludy Bermudo - Pang-masa
Vendor inatado ng saksak ng biyenan, dedo
Kinilala ang nasawi na si Domingo Cinco y Fenellere, alyas “Andy”, residente ng No. 168 San Pedro St., Balut, Tondo, Maynila.
File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 42-anyos na vendor nang ataduhin ng saksak ng sariling biyenan sa Tondo, Maynila, kamakalaw ang gabi.

Kinilala ang nasawi na si Domingo Cinco y Fenellere, alyas “Andy”, residente ng No. 168 San Pedro St., Balut, Tondo, Maynila.

Nakatakas naman ang suspek na kinilalang si Forodencio Tupada, 63.

Sa ulat, dakong alas-3:15 ng madaling araw ng Mayo 9 ay nakita pang nag-iinuman ang magbi­yenan sa labas ng kanilang bahay nang mauwi sa pagtatalo ang pasaring umano ng biktima sa suspek.

Naawat pa ng mga kaanak ang pag-aaway ng dalawa hanggang sa pumasok na sila ng bahay para magpahinga.

Hindi nagtagal ay lumabas muli ng bahay ang biktima at natulog sa nakaparadang tricycle sa labas na lingid sa kaniya ay nakasunod ang suspek na armado na ng patalim at sinaksak siya habang natutulog.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with