^

Police Metro

P27.2 milyong shabu sa bubong, narekober

Mer Layson - Pang-masa
P27.2 milyong shabu sa bubong, narekober
Sinisiyasat ng mga pulis ang narekober na 4 na kilong shabu sa bubong ng abandonadong apartment na nagkakahalaga ng P27.2 milyon sa Quezon City kahapon ng umaga.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Umaabot sa P27.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang narekober ng pulisya sa bubong ng isang abandonadong apartment na itinago ng isang babaeng drug suspect sa Brgy. Paligsahan, Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director PBrig Gen. Ronnie Montejo, batid na nila ang pagkakaki­lanlan ng drug suspect ngunit tumanggi muna itong isapubliko dahil sa isinasagawang followup operation.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang masamsam ng mga tauhan ng Kamuning Police Station 10, ang apat na kilong shabu na nakasilid sa travelling bag sa bubong ng isang bakanteng apartment sa 31 Panay Avenue, Brgy Paligsahan.

Nauna rito, pumasok sa bakanteng apartment ang suspek at doon isi­nagawa ang pagtimbang ng dala nitong shabu. Gayunman, may nakakita umano sa ginagawa ng suspek kaya’t inireport ito sa Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Kamu­ning Police Station su­balit hindi na nila naabutan ang babaeng suspek.

Nang halughugin ang lugar, dito tumambad ang isang itim na trave­lling bag na naglalaman ng nasabing droga ng P27,200,000 at dalawang timbangan.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with