Lumilitaw na ang Hong Kong Flag cargo vessel MV Veinna Wood ay umalis sa Subic patu­ngong Australia habang ang fishing boat na MV Liberty 5 ay galing ng Cagayan De Tawi-Tawi at patungo naman ng Navotas fishport nang mangyari ang insidente ng ala-1:00 ng madaling araw.
PCG/Released
Pinoy fishing boat nabangga ng Hong Kong vessel
Danilo Garcia, Doris Franche-Borja (Pang-masa) - June 30, 2020 - 12:00am

14 mangingisda nawawala...

MANILA, Philippines — Labing-apat na ma­ngingisdang Pinoy ang na­wawala matapos umanong magbanggaan ang fishing boat ng Pinoy at Hong Kong vessel sa karagatan ng Cape Calavite, Occidental Mindoro, kamakalawa ng umaga.

Batay sa paunang imbestigasyon, nabangga ng Hong Kong Flag Cargo vessel MV Veinna Wood ang MV Liberty Cinco na pag-aari ng Irma Fishing and Trading.

Lumilitaw na ang Hong Kong Flag cargo vessel MV Veinna Wood ay umalis sa Subic patu­ngong Australia habang ang fishing boat na MV Liberty 5 ay galing ng Cagayan De Tawi-Tawi at patungo naman ng Navotas fishport nang mangyari ang insidente ng ala-1:00 ng madaling araw.

Agad naman uma­nong nagpadala ng distress signal ang barko ng Hong Kong kaya nakaresponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa lugar na kung saan ay nakitang palutang-lutang ang mga tub na may marka ng “Irma” sa may bandang Cape Calavite, Occidental Mindoro, umaga ngunit walang nakitang 12 mangingisda at dalawang pasahero ng Irma.

Nagsimula na silang maghanap ang mga otoridad matapos na hindi masunod ang schedule ng pag-radio sa port at hindi ito nakarating sa Navotas Fish Port ng alas- 7:00 ng umaga.

Ayon sa PCG, nagsasagawa na ng search and rescue operation ang BRP Boracay sa Mamburao, Occidental Min­doro habang idineploy na rin ang isang helicopter at isa pang search and rescue team para tumulong sa paghahanap.

Inihalintulad ng PAMALAKAYA ang insidente sa pambubunggo umano ng isang Chinese vessel sa isang bangkang Pinoy na Gem-Ver sa may Recto Bank noong nakaraang taon.

AKSIDENTE MISSING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with