^

Police Metro

3 preso sa Albay pumuga habang nasa quarantine

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumakas ang tatlong preso nang samantalahin ang  pagsasailalim sa kanila sa quarantine procedure sa labas ng kanilang mga selda sa  Polangui District Jail sa Brgy. Basud, Polangui, Albay noong Martes ng umaga.

Kinilala ang mga tumakas na sina Ri­chard Balang Marabe, 27, re­sidente ng Brgy. Alnay at may kasong iligal na droga; Joseph Audie Francisco, 29; at Noelito Ardiente Otto, 42, pawang may kasong pagnanakaw at residente ng Brgy. 24, Rizal Street, Legazpi City.

Sa ulat ni Jail Senior Inspector Freddie Caballero sa Albay Police, dakong alas-10:35 ng umaga habang nasa proseso ng kwarantina sa labas ng selda ang mga preso nang biglang pumuga ang tatlong suspek sa pamamagitan ng pag-akyat sa bakod ng jail.

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad at maghahatinggabi nang masakote nila si Marabe habang nagpapa­hinga at natutulog sa isang kubo sa gitna ng palayan.

Nagpalabas ng tig-P10,000 reward money sa publiko ang Bureau of Jail Management and Penology para sa makapagtuturo sa kinaroroonan nina Francisco at Otto.

vuukle comment

QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with