^

Police Metro

Taxi driver na holdaper patay sa pasaherong pulis

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang taxi driver na holdaper nang barilin ng kanyang pasaherong pulis na tinangka nitong holdapin kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Elmer Tubil, nasa hustong gulang ng Quezon City matapos barilin ng biniktima nitong si PSSg Ronald Carpio, nakatalaga sa Follow-Up unit ng Parañaque City Police. 

Sa ulat, alas-2:00 ng madaling araw nang parahin ni Carpio ang taxi na minamaneho ni Tubil sa isang gasolinahan sa may Pres. Diosdado Macapagal Blvd., at nagpahatid sa isang condominium building sa may Dr. A. Santos sa naturang lungsod.

Agad na naghinala si Carpio na may gaga­wing masama ang suspek dahil habang binabaybay ang kalsada patungo sa kaniyang destinasyon ay biglang nag-U-turn ito at tinumbok ang madilim na bahagi ng C-5 Extension Road. 

Naging alerto si Carpio at inihanda ang kaniyang 9mm service firearm at hindi ito nagkamali ng hinala nang magdeklara ng holdap ang taxi driver at nang tutukan ng baril ay naging mabilis ang una at pinagbabaril ang huli.

Sa pagsisiyasat ay nabatid na may record ang plaka ng taxi ng suspek na panghoholdap sa mga naging pasahero nito na nagreklamo sa pulisya.

vuukle comment

ELMER TUBIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with