^

Police Metro

Job seekers binalaan ng DFA sa inaalok na trabaho sa UAE, Turkey at Europa

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binalaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko laban sa mga recruiter na nag-aalok ng trabaho sa United Arab Emirates (UAE), Turkey at iba pang bansa sa Europa na hindi naman nagbibigay ng balidong working visa.

Ito ay matapos madiskubre ng DFA ang isang recruitment network sa Pampanga at Pasay City at maging sa Dubai sa UAE at Erbil sa Iraq na iligal na nag-aalok ng iligal na trabaho makaraang walong biktima ng human trafficking ang mailagay sa kustodiya ng Philippine Embassy sa Baghdad noong nakaraang buwan at pinade-deport na sa Pilipinas.

Ayon sa mga biktima na inalok sila ng trabaho sa nabanggit na mga bansa at pinangakuan na ibibigay ang kanilang working visa kapag nagtungo na sila sa Iraq.

Isa sa kanila ang nakulong sa Basra prison dahil sa pagtataglay ng Kurdistan visit visa na hindi balido sa kanyang pananatili sa Basra noong 2018. Napalabas na ng bilangguan ang biktima matapos ang tatlong buwang pagkakakulong.

Ayon sa DFA, iligal ang pag-recruit sa kanila kung hindi binigyan ang aplikante ng kopya ng kanilang visa sa pupuntahang lugar o bansa; malabo ang kundisyon ng iniaalok sa kanilang trabaho; hindi kontrolado ng aplikante ang kanilang mga dokumento ng pagkakakilanlan tulad ng ID o pasaporte at sinabihan na turista lamang sila; walang permanenteng address ang ahensya, hindi totoo ang pangalan ng ahente at pinayuhan na dumaan sa tukoy na immigration lane; at kung inabisuhan ang aplikante na walang Philippine Embassy sa Iraq.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with