^

Police Metro

Drug ops: 3 patay

Joy Cantos - Pang-masa
Drug ops: 3 patay
Sa ulat ni Laguna Police Provincial Director P/Sr. Supt. Kirby John Kraft, dakong alas-5:40 ng hapon nang manlaban ang suspek na si Jessie Salvador sa buy bust operation sa Southville 3 A, Brgy. San Antonio, San Pedro City.
File

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong pinaghihinalaang drug pushers nang manlaban umano sa mga otoridad sa magkahiwalay na drug buy bust operation sa Laguna at Bulacan.

Sa ulat ni Laguna Police Provincial Director P/Sr. Supt. Kirby John Kraft, dakong alas-5:40 ng hapon nang manlaban ang suspek na si Jessie Salvador sa buy bust operation sa Southville 3 A, Brgy. San Antonio, San Pedro City.

Nasamsam sa operasyon ang siyam na plastic sachet ng shabu, isang cal. 45 pistol at nabawi rin ang marked money na P 500.00.

Iniulat naman ni Bulacan Provincial Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna, nang magsagawa ng serye ng operasyon ang kanilang mga operatiba sa Brgy. Guyong, Sta. Maria dakong alas-5:20 ng hapon kamakalawa at Brgy. Batia, Bocaue nitong Oktubre 2 bandang ala-1:15 ng madaling araw.

Napatay ang drug suspek na sina Ronaldo de Vera ng Sta Maria, Bulacan at Norman Piga alyas Norman ng Brgy. Batia, Bocaue.

Nakumpiska sa operasyon ang isang cal. 22 revolver , dalawang cartridge ng nasabing armas, tatlong plastic sachet ng shabu mula kay de Vera at siyam na piraso naman ng shabu kay alyas Norman, isang magnum 357, mga basyo ng armas, drug paraphernalia at iba pa.

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with