^

Police Metro

Kolehiyala dinukot, ni-rape/slay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang 19-anyos na kolehiyala ng CAVSU sa isang creek sa Naic, Cavite.

Ang biktima ay kinilalang si Mitchie Tolentino Araña @ Mitch, 19, HRM student ng CAVSU, Rosario at residente ng Blk. 11, Lot 33, Phase 3 Hillsview Royale Subdivision, Brgy Timalan, Balsahan,Naic, Cavite.

Ang hubo’t hubad na katawan nito ay natagpuan sa isang creek sa may Hillsview Royale Phase 3 Subdivision, Brgy.Timalan, Balsahan, Naic, Cavite.

Bago natagpuan ang bangkay ng biktima ay iniulat ito sa police station na nawawala noong September 26, na nakasuot ng short na pink at blouse.

Makalipas ang dalawang araw ay natagpuan ito ganap na alas -3:00 ng hapon na wala nang saplot at posibleng ginahasa bago pinatay sa sakal.

Anim na kalalakihan ang inimbitahan ng pulisya at isinailalim sa laboratory examination at DNA ana­lysis na pansamantalang pinalaya hanggang hindi pa lumalabas ang resulta ng laboratory examination sa kanila.

Ang anim ay under monitoring ng pulisya upang masiguro na hindi lalayo ang mga ito sa oras na lumabas ang resulta.

vuukle comment

CRIME

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with