Ayon sa ulat, habang nag-uusap ang biktima at anak nito na si Kenneth Ralf Datu sa isang talyer dakong alas-11:00 ng umaga habang ipinapaayos ang kanilang sasakyan nang nilapitan ang mga ito ng isang nakamaskarang suspek at walang abug-abog na binaril ang barangay kapitan.
File
Tserman pa, itinumba
Rhoderick ­Beñez (Pang-masa) - June 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang isang kapitan ng barangay matapos siyang barilin ng isang di natukoy na gunman naganap sa Poblacion, Tacurong City sa lalawigan ng Sultan Kudarat, Sabado ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Brgy. Sadsalan, Lambayong Captain Sambutuan Butch Magango.

Ayon sa ulat, habang nag-uusap ang biktima at anak nito na si Kenneth Ralf Datu sa isang talyer dakong alas-11:00 ng umaga habang ipinapaayos ang kanilang sasakyan nang nilapitan ang mga ito ng isang nakamaskarang suspek at walang abug-abog na binaril ang barangay kapitan.

Matapos ang krimen ay agad tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

Agad dinala sa ospital ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa dibbid at likod ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng kalibre 45 na baril.

Personal na alitan naman ang tinitignang anggulo ng pulisya sa motibo ng pamamasalang.

BUTCH MAGANGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with