Drug bust: 4 utas

(Pang-masa) - October 5, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Apat na lalaki na umano’y sangkot sa illegal drugs ang napatay sa magkakahiwalay na drug bust sa Maynila at Jolo, Sulu.

Namatay habang dinadala sa ospital ang dalawang suspek na sina Jaime Alcober, 22, helper, at Renato De Guzman, 53, kapwa residente ng Herbosa St., Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-12:35 ng madaling araw ay nagpanggap na buyer ang isang pulis matapos makatanggap ng impormasyon na may nagaganap na bentahan ng droga sa bahay ng mga suspek na ginagawa ding drug den.

Nang iaabot na ang shabu sa pulis na poseur buyer ay nakatunog umano si Alcober na pulis ito at nakita ang ibang pulis sa labas kaya pinaputukan ang pulis na hindi naman tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga nakaantabay na mga pulis sa labas at binaril at nasapol ang dalawang suspek.

Nasamsam umano sa dalawang suspek ang isang kalibre 38, na may lamang 3 bala,  anim na sachet ng shabu, 3 strips ng aluminum foil na may latak ng shabu at  3 improvised tooter.

Patay din ang dalawang drug pusher na sina Suladar Uraid, 33, ng Brgy. Tulay at Al-Madin Sansawi, 28, ng Brgy. Asturias pawang sa kapitolyo ng Jolo.

Sa ulat, dakong alas – 2:15 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang PNP Special Action Force sa Brgy. Busbus, subalit nakatunog ang mga suspek at pinaputukan ang otoridad na nagresulta sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig at nasawi ang dalawang suspek. Nasamsam mula sa mga suspek ang anim na sachet ng shabu, isang cal. 45 pistol at kalibre 38, P 200.00 na ginamit sa buy bust operation.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with