^

Police Metro

Paslit pinatay sa sakal ng nanay

Joy Cantos - Pang-masa

Bangkay isinako, itinapon...

MANILA, Philippines — Isang 7-anyos na batang lalaki ang pinatay ng ina sa pamamagitan nang pagsakal gamit ang sinturon at pagkatapos ay isinako ang bangkay bago itinapon naganap kamaka­lawa sa Brgy. Mabigo, Canlaon City, Negros Oriental.

Pinakiusapan ng pamil­ya ang pulisya na huwag nang pangalanan ang biktima at nanay nito na ang ama ay isang retiradong pulis.

Nakakulong na ang ginang sa detention cell ng Canlaon City Police at nahaharap sa kasong parricide.

Sa loob ng kulungan ay tulala ang ginang na isang guro at dalawang buwan pa  lamang sa bansa nang umuwi ito bilang isang overseas Filipino workers (OFW) na dumaranas ng ‘psychological problems’.

Ayon kay Chief Ins­pector Wilfredo Alarcon Jr., ng Canlaon City Police, nakatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa Canlaon District Hospital hinggil sa kahina-hinalang pagkamatay ng 7-anyos na ayon sa tuminging doktor ay 2-3 oras ng patay nang isugod sa pagamutan ng kaniyang lolo na isang retiradong pulis.

Ayon naman sa tula­lang ginang na hindi umano niya matandaan kung  napatay niya ang sariling anak subalit, i­naming humawak siya ng sinturon at  inilagay sa leeg ng anak kung saan iginapos rin niya ang mga kamay nito.

Nang mapatay ang bata ay isinilid niya ito sa sako saka inilagay sa trolley bag at itinapon bago pa man madiskubre ng kaniyang ama sa likuran ng kanilang bahay. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with