2 patay sa pamamaril sa Navotas
2 patay sa pamamaril sa Navotas
(Pang-masa) - January 15, 2017 - 12:05am

MANILA, Philippines - Dalawa katao, kabilang ang isang babae na pinaniniwalaang sangkot sa ipinagbabawal na gamot ang nasawi sa magkahiwalay na pamamaril sa Navotas City,  kahapon ng umaga.

Namatay noon din ang mga biktimang sina alyas Joan, 27, taga Brgy. San Jose, kilala umanong drug runner at Samson Genova, alyas Ikoy, 35, ng Roldan St., Brgy. Tangos, kapwa ng naturang lungsod sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Alas-10 kahapon ng umaga nang makita ng mga saksi ang pitong katao na sakay ng kani-kanilang mga motorsiklo na pumasok sa loob ng Brgy. San Jose public cemetery bago nakarinig ang mga ito ng sunud-sunod na putok ng baril.

Pagkatapos ay mabilis na tumakas ang mga suspect sa hindi matukoy na direksyon habang nadiskubre naman nina Brgy. Kagawad Boyet De Guia ang duguan at wala ng buhay na si Joan. Kamakailan ay sumuko si Joan sa ‘Oplan Tokhang’.

Ayon sa pulisya, naunang pinagbabaril ng hindi kila­lang mga suspect si Genova sa kahabaan ng E.R Cruz St., Brgy Tangos at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas sakay ng motorsiklong walang plaka.

Si Genova ay nasa drug watchlist dahil sangkot umano ito sa pagbebenta ng droga. Lordeth B. Bonilla

NAVOTAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with