Nagtipon ang mga anti-Marcos protesters sa People’s Power Monument sa Edsa, Quezon City na kinokondena ang paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani.
Boy Santos
Bayolenteng anti-Marcos protesters, aarestuhin
Angie dela Cruz, Joy Cantos (Pang-masa) - November 20, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nahaharap sa pagkakaaresto ang mga pasaway  na anti-Marcos protesters kapag naging bayolente ang mga ito sa pagdaraos ng kilos protesta sa Metro Manila.

“The full force of the law will be applied against those planning to stage anti-Marcos rally in Metro Manila unless they police their own ranks”, babala ni NCRPO Director P/Chief Supt. Oscar Albayalde.

 Ginawa ni Albayalde ang pahayag sa gitna na rin ng inilulunsad na kilos protesta ng mga anti-Marcos protesters  habang may ikinakasa ring malawakang protesta sa dara­ting na Nobyembre 25.

Ang hakbang ay ma­tapos ang pa-sikretong paglilibing sa labi ni da­ting Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani (LNMB) sa Fort Bonifacio, Taguig City  na natupad na kahi­lingan nito bago mamatay noong 1989 o may 27 taon na ang nakalilipas.

Nitong Biyernes ay nagsimulang dagsain ng mga pro at anti Marcos ang bisinidad ng LNMB at  maging ang People’s Po­wer Monument sa kahabaan ng EDSA , Quezon City at nitong Sabado ay muli silang nagtipon sa lugar.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Albayalde na ipatutupad ng NCRPO operatives ang ‘maximum tolerance’ sa hanay ng anti-Marcos protesters.

“ EDSA People Power Monument and the Edsa Shrine are not considered as a freedom park and a private property in which rallies in those two places are not permitted. “Edsa Shrine is a private property owned by the church that has already announced that it will not permit protest rallies to be conducted in their premises,” ani Albayalde.

Nilinaw naman ng NCRPO Director na maari lamang payagan ng mga pulis na magprotesta sa nasabing mga sagradong lugar kung gagawin ito ng mapayapa at maayos.

Samantala, tatlong kalalakihan naman ang inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) matapos na mahulihan ng matataas na kalibre ng armas malapit sa People’s Power Monument sa Edsa ng lungsod Quezon kamakalawa.

Ayon kay QCPD Director P/Chief Supt. Guil­lermo Eleazar ang mga suspek na  sina Joma Santos alyas Go, 28 anyos; Jake Seguan alyas Jek-Jek at Mark Joseph Nolasco, 18 anyos; pawang ng lungsod Quezon ay inaresto bandang alas-9 ng gabi.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang caliber .22 revolver  na may isang bala, balisong at isang swiss knife. Kasalukuyan na ngayong nakapiit sa detention cell ng QCPD CIDU ang mga naaresto na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Firearms and Ammunitions Law.

BAYOLENTENG ANTI-MARCOS PROTESTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with