Mayor Espinosa ilalagay sa WPP?
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre II na dadaan sa proseso si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. para mapasailalim sa Witness Protection Program (WPP) dahil hindi naman ito otomatikong makakapasok sa programa si Espinosa dahil may sinusunod na protocol.
Anya, kapag planong humingi ng tulong sa DOJ at sumailalim sa WPP si Mayor Espinosa ay dadaan ito sa masusing evaluation.
Sa kasalukuyan ay hindi pa naman dumudulog sa kanila ang alkalde para mag-aplay ng WPP.
Una nang humarap si Espinosa sa press conference sa Leyte noong isang linggo at nagsumite ito ng “drug matrix” sa Leyte-PNP kung saan nakalista ang mga personalidad na sinusuplayan ng droga ng kanyang anak na si Kerwin, kabilang umano ang isang senador.
Pinag-aaralan naman ni Espinosa na magpasailalim sa WPP dahil nangangamba na siya sa seguridad ng kanyang buhay.
- Latest