^

Police Metro

Isa pang NGCP tower pinasabog

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang pang tore ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pinasabog ng hindi pa nakilalang mga salarin kamakalawa ng gabi sa Barangay Linamon, Ramain, Lanao del Sur.

Ayon sa NGCP, pinasabugan ang Tower #25 sa Agus 2, Kibawe 138 kilovolts lines sa Barangay Linamon, Ramain ilang araw bago ang halalan.

Matatandaan na binomba na noong Disyembre 24, 2015 ang naturang tore.

Umabot ng tatlong buwan ang restoration, dahil hindi nakipagtulungan ang claimant, ang pamilya Sambitory, partikular sa pagkumpuni sa tore.

Inihayag naman ni NGCP Corporate and Communication Officer for Mindanao Milfrance Bambie Capulong na kanila ng naayos ang Agus 2-Baloi na linya ng NGCP, upang tiyaking may sapat na supply ng kuryente sa darating na halalan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with