Kotse sumabog: 3 sugatan
Rhoderick Beñez at Joy Cantos (Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Tatlong katao ang nasugatan matapos na sumabog ang isang bomba na nakalagay sa loob ng kotse kahapon ng hapon sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Sa ulat ni P/Supt. Ranie Hachuela, OIC Chief ng Tacurong City PNP, dakong alas-2:00 ng hapon nang sumabog ang isang kotse na may temporary plate number 122-680 sa harap ng isang botika at panaderya na kung saan ay nasugatan sina Freddie Tumanding ng Brgy. Poblacion; Patricio Pepeto at Nicole B. Fobar,19 na residente ng Barangay D. Ledesma.

Nabatid na kadadaan lang ng convoy ni LP vice presidential candidate Leni Robredo na naging bisita sa kapiyestahan ng Nuestra Señora dela Candelaria sa lungsod.

 

ATILDE BARANGAY D BRGY FREDDIE TUMANDING LENI ROBREDO NICOLE B NUESTRA SE PATRICIO PEPETO RANIE HACHUELA SULTAN KUDARAT TACURONG CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with