’Cat killer’ sa Makati, tugis
Angie dela Cruz, (Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nagpalabas ng P50,000 reward money ang People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia para sa sinumang  makakapagturo laban sa  mga taong walang awang pumapatay ng pusa sa Makati City.

Inihayag ng  PETA na simula noong Enero 13 ng taong kasalukuyan, nasa 12 pusa ang nawawala at natagpuang brutal na pinatay sa Dasmariñas Village ng naturang lungsod.

Sa nilabas na circular ng pamunuan ng naturang village, kada isang pusa ang unti-unting pinapatay sa pamamagitan ng pagsunog dito gamit ang isang uri ng kemikal tulad ng paint thinner.

Tiniyak ng management at security group ng Dasmariñas Village, na paiimbestigahan nila ang barbaric na pagpatay sa mga pusa ng hindi pa kilalang cat killer.

Ayon sa animal rights organization, base sa batas ipinagbabawal ang pagmamalupit at pagpatay sa mga hayop na ang sinumang lumabag dito ay papatawan ng parusang paglabag sa Animal Welfare Act of 1998 as amended by Republic Act No. 10631, na may tatlong taong pagkakakulong at may multang hanggang P250,000.00.

ANG ANIMAL WELFARE ACT ATILDE AYON DASMARI ENERO ETHICAL TREATMENT OF ANIMALS INIHAYAG MAKATI CITY NAGPALABAS REPUBLIC ACT NO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with