Karnaper dedo sa checkpoint
Joy Cantos (Pang-masa) - February 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang miyembro ng  carnapping syndicate ang nasawi nang ito ay   kumasa sa mga operatiba ng pulisya sa isang checkpoint sa Brgy. Camias, San Miguel, Bulacan kahapon.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout bandang alas-11:45 ng tanghali sa nasabing lugar ay nakatanggap ng flash alarm ang San Miguel Police hinggil sa kinarnap na behikulong Fortuner (NIM-778) sa Cabanatuan City, Nueva Ecija na huling namataang tumatahak patungo sa direksyon ng San Miguel sa kanugnog na lalawigan ng Bulacan.

Naglatag ng checkpoint  ang San Miguel Police sa pamumuno ng hepe nitong si Supt. Joel Estaris sa nasabing lugar at ilang saglit  ay naispatan ng mga pulis ang kinarnap na Toyota Fortuner habang papalapit sa checkpoint, pero nakababa ang apat sa mga ito na mabilis na nagsitakas.

Sa halip na tumigil sa checkpoint ay nagtangka pang tumakas ang suspek na binangga ang signage dito at isang motorsiklo saka pinaputukan ang mga operatiba  na nagbunsod ng ilang minutong shootout na ikinasawi ng suspek.

ANG BATAY BRGY BULACAN CABANATUAN CITY FORTUNER JOEL ESTARIS NUEVA ECIJA SAN MIGUEL SAN MIGUEL POLICE TOYOTA FORTUNER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with