_pang-masa
^

9-anyos nadale ng stray bullet

Mer Layson (Pang-masa) - December 31, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nadale ng stray bullet ang 9-anyos na nene habang ito ay nanonood ng telebisyon sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Malanday sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Mabilis na isinugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ng kanyang pamilya ang biktimang si Francia Grace Paragon, Grade 3 student, ng nasabing barangay.

Lumitaw na nakahigang nanonood ng TV ang pamilya Paragon nang marandaman ng biktima na may tumamang mainit na bagay sa kanyang kaliwang dibdib.

Gayon pa man, nang hawakan nito ang dibdib ay umaagos na ang dugo kaya agad na isinugod sa ospital.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng imbestigayon ang pulisya upang matukoy ang may-ari ng baril na dumale sa biktima.

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER ANG BARANGAY BARANGAY MALANDAY FRANCIA GRACE PARAGON GAYON LUMITAW MABILIS MARIKINA CITY NADALE NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with