Sekyu pisak sa elevator

Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - November 29, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Napisak ang 54-anyos na security guard matapos itong mabagsakan ng elevator ng gusali na kanyang binabantayan sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO2 Marlon dela Vega ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang biktima na si  Alejandro Unciano, may asawa, security guard ng Liberty Security Agency at nakaira sa #172 Mayang Pula Street sa  Barangay Sta. Monica, Novaliches sa Quezon City.

Ayon kay Dela Vega, ang biktima ay nadiskubreng patay habang nasa ilalim ng elevator shaft sa may basement ng King Center Building sa #57 Sgt. Rivera St., Barangay Manresa bandang alas-8:45 ng gabi.

Sinabi ng kasamahang security guard ng biktima na si Nelson Cano, nagsasagawa siya ng roving ins­pection sa gusali nang makita niya sa basement ang duguan katawan ng biktima habang direktang nasa ilalim ng elevator na nakahinto sa 1st floor.

Agad na lumabas ng gusali si Cano para humingi ng tulong kung saan tiyempong dumaraan si SFO2 Amado Rivera at ipinagbigay-alam ang pangyayari.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives, lumitaw na ang biktima ay nagtamo ng head injury at mga galos sa katawan.

ALEJANDRO UNCIANO AMADO RIVERA BARANGAY MANRESA BARANGAY STA DELA VEGA KING CENTER BUILDING LIBERTY SECURITY AGENCY MAYANG PULA STREET NELSON CANO QUEZON CITY QUEZON CITY POLICE DISTRICT CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with