^

Nang-onse sa droga, itinumba

Angie dela Cruz, (Pang-masa) - October 3, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang lalaki matapos na siya ay barilin ng kanyang kasama matapos magtalo sa onsehan ng kinita sa droga

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Jayson Lupin Santiago, nasa hustong gulang, ng Phase 10 Package 3, Lot 39, Barangay 176, Bagong Silang  ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong ala-1:00 ng mada­ling araw ay naglalakad ang biktima, kasama ang suspek nang bigla na lamang bumunot ng baril  ang huli at walang salitang pinagbabaril ang una.

Mabilis tumakas ang suspek na hindi ibinunyag ang pangalan ng mga pulis dahil sa gagawing pag-aresto rito.

Ayon sa text message mula sa kaanak ng biktima sa pulisya na ang biktima ay sangkot umano sa droga kaya’t ang kanilang  teorya ay posibleng nagka-onsehan sa droga ang dalawa.

ACIRC ANG AYON BAGONG SILANG BATAY BIKTIMA DAHIL DROGA JAYSON LUPIN SANTIAGO MABILIS NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with