^

Police Metro

Parak tinodas ng tandem

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang pulis-Pasay nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa ng gabi malapit sa Pasay City Hall.

Ang biktima na nagtamo ng tatlong tama sa ulo at katawan ay kinilalang si SPO3 Delfin Macario, 49, nakatalaga sa Station Anti-Drugs- Special Operation Task Group (SAID-STOG) ng Pasay City Police  at naninirahan sa Block 4, Lot 2, Vereneo Subdivision, Barangay San Sebastian, Kawit, Cavite.

Batay sa ulat, bandang alas-9:21 ng gabi, malapit sa Pasay City Hall tapat ng Summerlin Building na matatagpuan sa kahabaan ng F. B Harrison St., kanto ng  Valhalla St., ng naturang lungsod ay kasalukuyang  naglalakad si SPO3 Macario patungo sa kanyang nakaparadang kulay silver na Mitsubishi Montero (MAC-56) na nakaparada sa nasabing gusali.

Habang binubuksan ang parteng likod ay biglang sumulpot ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo at sabay na pinaputukan ng tatlong beses sa ulo at katawan ang biktima.

Pagbagsak ng biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa Libertad St.

Ilang bystanders na  nakakita sa pangyayari ang nagsugod sa biktima sa ospital.

Nakatakdang busisiin ng pulisya ang nakaka­bit na CCTV camera sa naturang lugar para sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

B HARRISON ST.

BARANGAY SAN SEBASTIAN

DELFIN MACARIO

LIBERTAD ST.

MITSUBISHI MONTERO

PASAY CITY HALL

PASAY CITY POLICE

SPECIAL OPERATION TASK GROUP

SUMMERLIN BUILDING

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with