^

Police Metro

Bebot nag-suicide sa mall

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang babae na pinaniniwalaang nagpakamatay sa pamamagitan nang pag-inom ng lason sa loob ng banyo ng isang mall sa Pasay City kahapon ng umaga.

Ang biktima na idi­neklarang dead on arrival ay kinilala sa pamamagitan ng nakuhang ATM card na si Annabell G. Frias.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang matagpuang nakahandusay ang biktima sa loob ng banyo sa  ikalawang palapag ng parking area ng Pasay Victory Mall na matatagpuan sa Libertad St. ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ng janitor ng mall na si Edward Sindac, 30, kasaluku­yan siyang naglilinis ng banyo ng mga lalake na  katabi ng banyo ng mga babae nang tawagin siya ng kasamahang si Sinforoza Sabalboro, 53 dahil sa nakitang babae sa banyo.

Nang silipin ang loob ng banyo ay nakita ang biktima na nakalawit ang dila at nang buksan ang pinto ay nakasarado ito.

Kaya’t umakyat ito sa itaas upang mabuksan ang pintuan at tumambad ang isang babaeng naka­handusay. Agad nila itong dinala sa ospital, subalit  idineklara itong dead on arrival.

Narekober ng mga otoridad sa lugar ng krimen ang dalawang plastic ng  silver cleaning solution na hinihinalang ginamit ng biktima sa pagpapakamatay.

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon kung may naganap na foul play.

ANNABELL G

BANYO

BATAY

EDWARD SINDAC

LIBERTAD ST.

PASAY CITY

PASAY VICTORY MALL

SINFOROZA SABALBORO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with