^

Ulo napisak ng elevator

Angie dela Cruz, (Pang-masa) - April 12, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Napisak ang ulo ng isang 39-anyos na mason nang maipit ito ng alimak ele­vator na aksidenteng bumukas naganap kahapon ng umaga sa ginagawang gusali sa Makati City.

Ang biktima na idineklarang patay sa Ospital ng Makati (OSMAK) ay kinilalang si Fernando Lapis, ng  J. B. Roxas St., Barangay Olympia ng lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-11:00 ng umaga sa loob ng ginagawang Jazz Residences na matatagpuan sa  Jupiter St., Barangay Bel-Air  ay nagpapa­litada ang biktima para sa finishing ng  concrete wall ng naturang gusali na malapit sa alimak ele­vator.

Habang nagpapa­litada ay bigla na lamang bumukas ang alimak elevator at tinamaan at naipit ang ulo nito.

Sa sobrang pagkaipit ay kinailangan pang tanggalin ang pintuan ng alimak elevator ng  mga kasamahan at ilang minuto ang nakalipas bago tuluyang naialis ang pagkaipit ng ulo ng biktima.

Iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at inaalam kung may pagkukulang sa safety measure ang pamunuan ng naturang gusali at contractor nito.

BARANGAY BEL-AIR BARANGAY OLYMPIA BATAY FERNANDO LAPIS HABANG JAZZ RESIDENCES JUPITER ST. MAKATI CITY ROXAS ST.
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with